"Buntis ka ba, Francheska?" natauhan nako ng makapasok si Yuri sa loob ng comfort room kung saan ako naroroon.
Nanginig ako sa tanong niya sakin. Kailangan ko na bang sabihin sa kanya ngayon? Pero, hindi pa naman ako nakakasigurado kung buntis nga ba talaga ako. Hindi! Hindi pa yung tamang oras na magsalita ako dahil hindi pa naman sigurado ang lahat. Tapos, dagdag pang nandito si Peter. Natatakot ako.
"H-Huh? Anong buntis? Sinong buntis? Yuri, hinding magandang biro yan ah." pagsisinungaling ko sa kaibigan ko.
Nagtaas ang kilay nito at tila'y sinusuri ako ng maigi. Dammit! Just believe!
"Sure ka ba? Hindi ka buntis? Kase kanina, nahilo ka tapos ngayon naman, nasuka ka. Diba, sign yan pag buntis ang isang babae?" kibit balikat niyang tanong sakin.
"I don't know. Wala akong alam dyan, Yuri. Nagkakaganito ako kase, may kinain ako kagabi medyo panis na pala. Siguro sign ito dahil sa kinain ko. Di ako buntis." pagdedepensa ko pa.
"Whatever. Punta na lang tayo sa hospital para matignan ka. Baka pag pinabayaan yan, lalong lalala. So, let's go.'
"E-Eh? Wag na. Okay nako, wag na tayong pumunta dun."
"Bat naman? It's for your own good, Francheska."
"Hey, Im okay. Bumalik na lang tayo doon. Tara na." bumalik na lang ako doon sa table namin.
Agad naman silang napatingin sakin. May kung anong pag aalala sa mga mata nila. Ng tignan ko si Peter, agad niya kong hinawakan.
"Are you sick or what? Shall we go to the hospital, now? Tell me."
"No need. I'm okay. Don't ya worry."
Makalipas ang ilang araw, di na muna ulit ako sumama sa kanila. Mas naging matanong sila sakin, if okay lang ba ko? Bat daw hindi na ulit ako sumasama? May problema daw ba? At kung ano ano pa. Nahihirapan din ako sa mga rason ko sa kanila. Baka talaga isang araw, malaman na lang nila ang lahat ng tinatago ko. Hays
Habang nakaupo ako, napaisip na lang ako na hindi pa pala ako nagkakaroon ng dalaw ko. Medyo late na kaya napapaisip na talaga ako. Nahihilo? Nasusuka? Delayed sa Menstruation? Oh God! This is a sign. I'm pregnant?
Malaki naman talaga ang chance na mabuntis ako dahil sa mga nangyari sa pagitan namin ni Nicholai. Hays, masasabing nasa huli talaga ang pagsisisi.
Maya maya, pinilit kong pumunta sa isang mall. Bumili ako ng kung ano ano para malibang ang sarili ko. What if, try ko na din yung pregnancy test na sinasabi ng iba? Para mas lalo na kong maka sure if buntis nga ba talaga ako.
"Good day, Sir." Bati ng karamihan sa di kalayuan.
Di ko pinansin yun at naghanap ng kong ano anong pwedeng bilhin. Ng bumaling ako, agad kong nahagip si Nicholai na diretso ang titig sakin at ang lapit na nito sakin. Oh god! Agad na namang nanginig ang buong sistema ko. Sa tagal ba naman niyang hindi nagpakita at nagparamdam sakin, tapos ngayon heto na naman siya? Bat alam niyang andito ako? Stalker din talaga toh eh.
"A-Anong ginagawa mo rito?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Pinilit ko man na humakbang palayo sa kanya kaso wala na kong kawala pa.
"Ako nga dapat ang tatanong nyan sayo, anong ginagawa mo dito? Anong ginagawa mo rito sa mall namin? Do you need something? Tell me, you don't need to pay." kalmadong presenta niya.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #1: Nicholai Romero [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #1 Unedited | Completed Nicholai Romero, a businessman and CEO. A rich man, hot and handsome. Isa sa mga hobby niya ang mambabae at makipag fling. Not until he met this pure maiden accidentally. Love at first sight really exist for...