3. Alas-dose

545 21 0
                                    

Chapter 3: Alas-dose

Erin

Halos humaba ang nguso ko. "Naku. Pass muna ngayon, Peter. Hindi muna ako makaka-attend ng practice natin," nakasimangot kong sagot kay Peter. Tinawagan niya ako para ipaalam na may practice raw kami mamayang alas-singko pero sa kasamaang palad, hindi ako makatutuloy.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway at palabas na ng university. Kadi-dismiss lang ng huling klase ko at kailangan ko na agad makauwi sa luma naming bahay. Kung wala akong gagawin ngayon, siguro, makasasama pa ako kahit ilang oras lang sa kanila pero meron, eh. Ayaw kong magahol ngayong gabi.

"Bakit?"

Napakamot ako ng likod ng tainga. "Priorities muna. May ilang subject kasi akong muntik ko nang maibagsak. Mabuti nga, napakiusapan ko pa 'yong mga prof ko para sana gawing tres manlang kaso nga lang, may requirements naman siyang ipinapagawa sa akin. Sabi nila, kailangan ko raw gawin 'yong mga kulang kong projects para kahit papaano, mahatak pataas ang grades ko. Huling chance ko na 'to, Peter, kaya ito muna uunahin ko, okay? Laking pasasalamat ko na napagbigyan pa ako. Kun'di, baka ito pa ang rason ng hindi ko pag-graduate ngayong taon," tuluy-tuloy kong sagot. Humugot ako nang malalim na hininga pagkatapos. "Buti pa kayo, sa pagbabanda na lang umiikot ang mundo ninyo," mahina kong dagdag. Sa katunayan niyan, si Peter ay tapos nang mag-aral. Hindi katulad ng iba pang kamiyembro namin na nagsihinto na talaga.

"E di, bukas na lang? Puwede ka na no'n?" Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"Titingnan ko." Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Update mo na lang kami bukas. Sige na, tatawagan ko pa si Vern."

Isinilid ko sa bulsa ang phone ko pagkatapos niyang patayin ang tawag. Naisin ko man sumama kaso baka pagsisihan ko lang dahil mas inuna ko pa iyon kaysa sa mas mahalagang bagay na kailangang matapos.

Iniiwasan kong banggitin ang tungkol sa paglipat ko ng tirahan. Hangga't maaari, inililihim ko sa kanila ang tungkol doon. Ang alam kasi nila ay suportado ako ng pamilya ko sa pagbabanda ko dahil iyon ang sinabi ko sa kanila noon. Ang tingin nila, pinapayagan ako ng mga magulang kong abutin ng madaling araw para magbanda pero ang totoo, salungat iyon. Hindi ako pinapayagan at puro sermon ang naabutan ko pagkauwi ko. Wala lang. Sadiyang naiinggit lang ako sa kanila dahil silang lahat, suportado ng mga magulang at masaya ang mga ito para sa kanila kaya mas pinili kong magsinungaling na lang noon. Tanging ako lang kasi ang may mga magulang na tutol sa mga gusto kong gawin. 

Ilang taon na rin kaming natugtog at ilan taon na rin ako sumusuway sa mga magulang ko. May mga oras nga na hindi na ako nakakasama sa mga gig namin dahil umuuwi na agad ako nang maaga. Ayaw ko naman na palagi na lang ako susuway at sesermunan. Ako na lang nag-aaral at lahat sila ay nakapokus ang atensiyon sa banda namin.

-

Hindi naman ganoon kalayo ang school sa dati naming bahay pero mas malapit lang talaga 'yong bahay na tinutuluyan namin kaya nasabi kong malayo. Sasakay pa ng isang tricycle, hundi tulad sa bago naming bahay, kinse minuto lang ay makararating agad sa school sa pamamagitan ng paglalakad.

Pagkaabot ko ng sampung piso sa dryaber at pagkababa ko ng tricycle, nagpakawala agad ako ng malalim na hininga habang taimtim na pinagmamasdan ang lumang bahay.

Sandaling tumayo muna ako mula sa kalsada at sinuri ang hitsura nito. Halata na ang pagiging abandunado ng bahay. Kapansin-pansin ang matutulis at nagtataasang mga damo sa paligid nito dahil matagal nang hindi natatabasan. Pati na rin walang kabuhay-buhay at unti-unting nalulusaw na pintura ng dingding. Hindi naman 'to ganoon kalakihan, may pangalawng palapag ito pero isang malaking kuwarto na iyon. Hindi na ako magtataka kung bakit naging ganito na agad ang hitsura nito, dahil halos tatlong taon na nang hindi 'to naaalagaan at natitirhan. Wala rin naman bumibili nito at umuupa.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon