46. Nalaman

244 9 2
                                    

Chapter 46: Nalaman

Erin

Napailing-iling sa akin 'yong makeup artist. Bumaba ang tingin ko sa bibig niya at mariing pinag-aralan, nagpipigil itong ilabas ang kaniyang tawa. Akala ko ay kilay ko lang ang pupunain niya ngunit pati na rin kung paano ako nag-blend ng foundation at concealer. Maling-mali. Hindi raw maayos. Hindi raw pantay 'yong kulay sa may bandang leeg ko.

Wala talaga ako talento sa ganito.

Matapos ang dalawang oras, hindi ko inakalang mas matindi ang pagdadaanan ng mukha ko ngayon kumpara noong inayusan ako para sa kompetisyon namin. Panibagong pagsubok, mas makapal ang mga inilalagay at mas marami. Hinayaan ko sila sa kung anong nais nilang gawin sa mukha ko puwera lang sa isang bagay, pinigilan ko silang isuot sa akin ang contact lense, bukod sa hindi ako komportable, kung ano-ano ang umiikot sa isip ko na baka mapunta iyon sa likuran ng mga mata ko.

Kulot at nakalugay ang ayos ng aking buhok, hindi ko maiwasang maasiwa sa sobrang lagkit at tigas nito, 'tapos pinatungan pa ng mga glitters. Dinikitan din ako ng nail extension na hindi ako sanay kaya naman poproblemahin ko pa kung paano kakain nang matiwasay mamaya. Pinahiram din ako ng mga accesories na katulad ng hikaw, pulseras at singsing. 'Yong kuwintas na nakita ko sa bahay ang isinuot naman nila sa aking leeg, ako mismo ang nag-utos na iyon ang gamitin. Nakita ko rin 'yong kuwintas na dala nila, parang ang bigat. Nagpahiram din sila ng sapatos na mabuti, hindi kataasan ang sukat. Hindi raw bagay 'yong luma kong sapatos sa gown ko. Masyado raw ako maganda para sa pangit na sapatos. Hindi ko rin alam na binilhan din ako ni Mama ng evening bag na kulay gold, bumigay ito sa elegant pink flower evening gown banquet fairy temperament long-sleeved kong suot.

"Ang ganda natin, ah," Napunta ang paningin ko sa pintuan, saktong dating ni Papa noong nagpo-photoshoot kami. Ngiting-ngiti ito.

Kapag pinipictur-an ako, binubura ko sa aking mukha ang hindi pagiging komportable at ngayong dumating siya, dapat burahin ko ulit 'yon upang bigyan siya ng isang ngiti, maisip niyang masaya ako. "Salamat po."

"Ihanda mo na 'yong kotse at ihahatid mo na si Erin. Anong oras na rin, baka ma-late pa siya," utos sa kaniya ni Mama.

"Hindi na. Nasa ibaba na si Elmo."

Gumuhit ang kunot sa aking noo at pinakatitigan siya. "Nandiyan po si Elmo?" Walang usapan na sabay kaming magtutungo sa hotel, venue kung saan ipagdaraos nag prom night. Ang tanging nasabi lang niya sa akin ay magiging date niya ako.

"Oo, sabay raw kayo."

"May dala po siyang sasakyan?" isa ko pang tanong.

Marahan siyang tumango. "May taxi na nakaparada roon sa labas." Agad kong hinawi nang mariin ang kurtina at dumungaw sa bintana. Nakumpirma kong totoo ang sinasabi ni Papa. Sa hindi malamang dahilan, bahagya akong nasilaw ng kulay kahel na langit dahil sa nagpapaalam na araw.

Pagabi na. Ang ganda ng sunset.

"Kung ganoon, dapat na nga natin bilisan. Nakakahiya, naghihintay siya. Patapos na ba siyang mag-picture?" tanong ni Mama doon sa nag-pipicture sa akin.

"Kaunti na lang po."

Muli akong nag-pose ng kung ano-ano. Tinuturuan nila ako kung paano ang tamang pose at sinusubukan kong itama ito, hindi ako marunong.

-

"'Wag mong kalimutan mag-enjoy," paalala sa akin ni Mama.

Nakarating kami ni Elmo sa hotel nang hindi manlang tumatambay sa akin ang tingin niya. Kinakausap naman niya ako ngunit kahit manipis na silay, hindi niya ginagawa. Samantalang ako, kanina ko pa sinusuri ang kaniyang kabuuan at kanina pa rin siya nakakatanggap ng puri mula sa akin. Nakasuot siya ng kulay silver na tuxedo at bagay na bagay sa kaniya ang hairstyle niya, mukhang sobrang daming gel niyang inilagay rito. Mas pumogi siya ngayon.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon