19. Puso ng Gubat

313 17 0
                                    

Chapter 19: Puso ng Gubat

Erin

Nakaramdam ako ng kakaiba nang 'yon ang klaseng sagot ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko rin naman alam kung paano kami napunta sa diskusyon na iyon. Siguro, hindi ko rin nakontrol ang bibig ko para itanong sa kaniya ang bagay na iyon. Pareho tuloy kaming natahimik at hinayaan ang kuliglig na mag-ingay, hindi alam kung paano magsasalita. Ang awkward.

Ganoon pa man, alam kong hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya tungkol sa nangyari sa gubat na 'to. Pero dahil sa ilang araw ko siyang nakasama at sa mga nasasaksihan ng mga mata ko ngayon sa paligid ko, nararapat na maniwala talaga ako. Ngayon, nakuha ko na ang sagot kung bakit kailangan na kailangan niya ng tulong ko, 'yon ay nais niyang maging mabuti muli ang diwata kapag naibalik ang puso ng gubat na ninakaw, makalaya ang mga taong nawawalan na ng pag-asang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay at maging maganda ulit ang Paraiso de Kaunis na matagal nang naibaon sa limot. Hanggang ngayon, hindi ko sukat akalain na may ganoong uring sitwasyon ang nararanasan ng ibang tao. Hindi makatotohanan. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit idinala niya ako rito, para mas malinawan at mas mapaniwala ako sa kaniyang mga sasabihin. Kung hindi kami nagpunta rito, baka pagdudahan ko siya katulad no'ng una kaming nagtagpo.

Kanina ko pa hinahangaan si Mando. Kung paano niya isiwalat ang mga nangyari sa gubat na 'to at sa misyon niya, nandoon ang puso niya upang gampanan ang lahat ng iyon. Tama siya, hindi lang sarili niya ang nais niyang maging maayos, kun'di ang lahat ng naapektuhan sa pagnakaw.

Nabali ako sa pag-iisip nang may biglang tumawag sa pangalan ng kasama ko. Naagaw niyon ang pansin ko. "Mando!" boses ng isang lalaki. Lilingon na rin sana ako pero meron akong biglang naalala at mabuti, naagapan ko.

Bahagyang gumalaw si Mando, siguro ay lumingon siya kung saan nanggaling ang boses na iyon.

"Ikaw nga!" maligaya ang boses ng lalaki. Mababakas ang labis na tuwa rito. "Kumusta na? Okay na ba? Nahanap mo na? Nagawa mo na ba ang misyon mo? Makakaalis na ba kami rito? Babait na muli ang diwata?" Narinig ko ang mabilis nitong pagtakbo kung nasaan kami ni Mando.

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang mga tanong na iyon. Halatang excited ang lalaki na makakuha ng mga sagot mula kay Mando. Pero sa ibang banda, tumitibay ang mga sinabi ni Mando sa akin dahil ebidensiya na rin 'yon na totoo talaga ang mga nangyari. Malapelikula at kuwento ang mga nasasaksihan ko pero ang pinagkaiba, totoong buhay na ito at hindi ako nanaginip. Ramdam ko ang lungkot at bigat na pinapasan ng paligid.

"Hindi pa," mahinang sagot ni Mando. Nasa boses niya ang lungkot. Hindi ko man sila nakikita, ramdam ko ring lumungkot ang mukha ng lalaki dahil sa biglang tahimik. "Pero huwag kayong mag-alala. Nagsisimula na kami. Gagawin namin ang lahat upang ibalik ang lahat sa normal. Hindi kami susuko." Nag-umapaw naman sa boses niya ang pag-asa.

"Kami?" Halatang napagod siya sa pagtakbo dahil hinahabol niya ang kaniyang hininga.

"Ayun, oh." Itinuro niya yata ako. Ramdam kong nasa akin ang kanilang mga atensiyon. Hindi yata ako napansin ng lalaki no'ng pagdating niya. "Siya ang tutulong sa atin. Hahanapin namin ang puso ng gubat. Hihikayatin namin ang mga taong tumulong sa pagbibigay ng pag-asa sa gubat na 'to. Naniniwala akong magagawa naming ibalik sa dating ganda itong lugar na 'to. Makakalaya rin tayo. Makakapiling din natin ang mga mahal natin sa buhay. Magagawa rin natin lahat ang gusto nating gawin."

Napakabait niya.

"Pero Mando, huwag mo sanang mamasamain . . . pakibilisan. 'Yong nagmimistulang nanay natin sa kuweba, may malubhang karamdaman. Nanghihina na at wala kaming magawa. Mabuti na lang nandoon ang kaniyang asawa upang bigyan siya kahit papaano ng saya. Miss na miss na rin nila ang kanilang anak. Kaya kailangan niyo nang bilisan. Hirap na hirap na kami roon." Kung hindi ako nagkakamali, 'yong mga magulang na tinutukoy niya ay 'yong mga magulang ng batang lalaki na nagnakaw ng puso ng gubat?

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon