Epilogue

467 11 0
                                    

Epilogue

Erin

Pagkarating ko sa registrar office, balisa akong pinaupo sa tapat ng lamesa ng taong may hawak ng document naming mga dental student. Nagpaiwan sa labas si Lesa at hinayaan akong mag-isang makipag-usap, hihintayin na lang daw niya ako at tutulungan kapag nalaman ko ang problema.

Kailangan maging malinaw sa akin ngayon din ang bawat nangyari kung bakit naging ganoon na lang ang kinalabasan ng pinagharapan ko. 'Yong hinihintay kong bagay na matanggap, ilalayo pa sa akin.

"Ano po bang naging problema? Hindi lang po ba na-input 'yong pangalan ko? Nakalimutan? Wala naman po akong natatandaang may naiwan akong gawain, naihabol at naipasa ko rin po 'yong thesis ko, maayos po 'yong performance ko sa clinical training, pati na rin po 'yong finals ko, matatataas din nakuha kong score, naigapang ko po lahat. Kaya bakit? Bakit wala po 'yong pangalan ko sa list of candidate?" Hinabol ko ang hininga ko, tinamaan ako bahagya ng hiya. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang aking boses kung kaya't naagaw ko ang atensyon ng ibang tao dito sa loob. Nagpatay-malisya na lang ako.

Gumagawa na ang mga mata ko ng butil ng luha at plano na nitong mahulog anumang segundo kahit wala pang sinasabi itong taong nasa harapan ko.

Sa dami kong tanong, lumagpas ng isang minuto wala akong nakuhang sagot. Nakatutok ang mga mata niya sa desktop sa harapan niya, inaalam at pinag-aaralan ang records ko. Hindi ko binibitawanan ang titig ko sa kaniya habang naghihintay ng sagot. Pigil din ang aking paghinga. Pinapanood ko ang kilos ng mga mata nito at pati na rin ang reflection ng salamin nito na parang may binabasa. Sa pananahimik niya, mas ikinababahala ko iyon.

Napatango siya at inihanda ko ang sistema ko. "I feel sorry to say this, you failed two subjects. At nasa university policy natin iyon, na kapag may bagsak . . . " Hindi ko napigilan nang tuluyang pumatak ang isang kong luha. Gumuhit pababa ang labi ko. Ipinunta niya ang tingin niya sa akin. "Unfortunately, hindi ka makakapagmartsa this year, Ms. Gomez. We offer you a summer class para maihabol mo 'yong grades mo but in your case, hindi iyon magiging ganoon kadali, you'll have to retake the class this following semester in order for you to get your degree . . ."

Ayaw nang tanggapin ng tainga ko ang mga nilalatag niya pang pahayag. Bigla, napatulala na lang ako at nanatili sa utak ko ang sinabi nitong may dalawang subject akong bagsak. Nanghina ako. Masakit marinig na hindi ako makakapag-graduate at parang hinarang no'n ang lahat ng mga plano ko kasunod nito. 'Yong tipong lahat ng paghihirap ko, hindi pa pala masusuklian ng magandang bagay.

Lumabas ako ng registrar nang luhaan. Parang buong daigdig sinalo ng puso ko, inagaw ng sitwasyon na 'yon ang sayang iniingatan ko sa araw na ito.

Napatayo mula sa pagkakaupo sa waiting area si Lesa nang makita ako. Mula pagpasok at paglabas ko, sinalubong ako ng nag-aalala niyang ekspresyon. "Girl, what happened? Anong balita? Okay na ba?"

Sinira ng iyak ang mukha ko. "M-May dalawang subject daw akong bumagsak," mahinang sagot ko sa biyak kong boses, nanginginig ang labi ko.

Napaawang siya ng bibig. "Hala, wait? So, paano?" Hindi niya mahanap ang tamang salitang sasabihin dala ng gulat. "Meaning ba no'n, hindi ka raw makaka-graduate this year?"

Maliit akong tumango at saka yumuko.

Umiling-iling ito. "No! How come?! You did so great during our training and internship. In 2 years, minsan ka man magpakita pero nakahabol ka naman at nakasasabay ka! In fact, nadaig mo pa nga 'yong mga parating um-aattend, hangang-hangang nga kami sa pagiging fast learner mo. 'Tapos, I heard matataas din daw nakuha mong grade sa finals natin, lalo na sa Clinical Destistry 4 at Prosthodontics 2, so how did this happen? Sinong professor ang may ganang ibagsak ka gayong naging evident ang dedication mo? Gusto mo, samahan kitang puntahan 'yong mga prof na iyon at makipag-usap? Anong mga subject ba 'yon?" Natataranta na ito.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon