7. Anino

348 15 2
                                    

Chapter 7: Anino

Erin

Akala ko, makahihinga na ako nang maluwag nang pagkalabas ko ng office ng mga prof pagkatapos ipasa lahat ng projects. Sabi nila, huwag daw akong umasa na malaki ang makukuha kong grade roon dahil sobrang late na pero makasisigurado akong makakapasa na ako. Ayos na rin iyon. Ang mahalaga sa akin ay maka-graduate. Kaunting tiyaga at tiis na lang, makakaalis na rin ako sa school na 'to. Kaso nilunok ko ang dapat paghinga ko nang maluwag dahil biglang bumalik sa memorya ko si Mando saktong pagkasarado ko ng pintuan ng office.

Nakapangingiwi. Halos matatapos na ang araw, wala pa rin pala akong nagagawang plano.

"Aish. Bahala na." Napailing-iling ako ng ulo at naglakad na paalis.

Imbes na i-stress-in ang sarili dahil sa kaiisip kung paano iwasan si Mando, nagtungo na lang ako mag-isa sa pinakamalapit na grocery mula sa school. Kadi-dismiss lang din naman namin. Mas mainam na ito ang gawin ko kaysa pumunta sa isang sulok at bumuo ng plano. Saka, kahit anong gusto kong iwasan si Mando, gusto ko na rin naman umuwi na at magpahinga. Buo na ang loob ko, bahala na kung magparamdam man siya mamayang gabi o hindi. Bahala na kung ano ang gagawin ko. Bahala na kung malalabanan ko 'tong takot ko.

"Ito na lang kaya, ready to cook na. Hindi hassle," kausap ko ang sarili ko habang hawak 'yong tupperware na may laman na naka-prepare na mga pagkain sa loob. Nakasulat sa takip nito ang breakfast. Ibig sabihin, nakahanda na kung ano ang kakainin sa almusal, lulutuin na lang. "Ito na nga lang, hindi na ako mahihirapan maghanap pa ng kakainin." Kumuha ako ng good for two days para i-try muna. Kumuha ako ng pang-lunch at dinner din. Saka na lang ako bibili nang marami kapag nagustuhan ko ang lasa. Good thing, affordable ang price.

Namili rin ako ng mga maiinom, tsitsirya, bigas, prutas at gulay. Pang-one week lang ang binili ko dahil takot din naman akong masira rin ang mga ito agad. Naisip ko na huwag nang bumili ng fruits at gulay pero baka biglang dumating si Mama sa bahay, pagalitan pa ako no'n kung bakit puro unhealthy food ang kinakain ko araw-araw.

Hawak-hawak ko ang phone ko habang nag-se-search kung paano lutuin ang chop suey. Susubukan ko 'yon lutuin mamayang hapunan kahit hindi ako marunong. Marami naman akong mahahanap sa internet na tutorial. Kung bakit chop suey? 'Yon kasi ang paboritong lutuin ni Mama at ihain tuwing gabi kapag maaga akong nauwi. Kaya naisipan kong i-try ngayon. Sana nga lang ay mahanap ko ang masarap na lasa ng pagluto niya.

Habang nakapila sa counter, sinilip ko muna ang pera ko sa wallet. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kailangan ko nang mag-gig ulit, para kahit papaano, may mapagkakakitaan ako. Ang malas lang din, wala akong naging ipon sa ilang taon ko nang pagbabanda. Tama sina Mama at Papa, kung hindi nila ako inihiwalay sa kanila, nakaasa pa rin ako sa ibibigay nila. Ngayon, ang unang bagay na natutunan ko ay ang paglimita ng pagbili ng mga bagay-bagay. Hindi lahat ng gusto, bibilhin. Itatatak ko sa utak 'yan.

Pagkatapos ng mga agenda ko, agad na akong dumaretso sa bahay. Pero matapos kong bumaba sa tricycle, may tumawag sa akin. Inilipat ko sa kanang kamay 'yong mga plastik ng pinamili ko para kuhanin ang phone sa bulsa at sagutin ang tawag.

"Hindi ulit ako makakapunta. Sorry, Peter." Tumawag sa akin si Peter at niyayaya ulit akong mag-pratice pero hindi na ako nagdalawang-isip na tumanggi dahil pakiramdam ko kasi, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayong araw. Parang pagod na pagod ang buong katawan ko at ang dami kong ginawa. Gusto ko lang humilata sa kama buong gabi. "Pahinga muna ako."

"Ano bang ginagawa mo? Mukhang abala ka yata, ah? Pagod ka ba? Halata sa boses mo. May masakit ba sa 'yo? Nilalagnat ka ba? Sabihin mo sa akin, pupuntahan kita."

"Gumawa nga ako ng projects. Pagod ako." Nagsimula na akong maglakad at inipit ang phone sa pagitan ng braso at tainga ko para buksan ang naka-lock na pintuan.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon