47. Kinatatakutan

267 11 0
                                    

Chapter 47: Kinatatakutan

Erin

Hindi ko inaasahan ang emosyong lulunod sa akin. Isang maluwag na hininga ang nailabas ko nang hindi na ako naabutan ni Peter noong maisampa ko agad ang mga paa ko sa elevator, 'yon ang akala ko. Ang paghingang 'yon ay hindi pala makakarating hanggang bahay.

"Erin!"

Pagkarating ko sa lobby, nagulat naman ako nang matanaw kong tumatakbo palapit sa akin si Elmo, suot ang nag-aalalang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hawak ang kaniyang phone at mukhang kanina pa ako hinahanap. Maayos ko siyang iniwan mag-isa roon kanina. Takot na takot ito na para bang may masamang nangyari.

Kitang-kita ko ang pagkaalarma niya. Tatanungin ko pa lamang siya kung anong rason ng pagkabalisa niya, inunahan na niya ako agad.

"Katatawag lang ni Lola, nasusunog daw bahay mo!"

Nanuyo ang dugo ko sa buong katawan mula sa aking narinig. Muling umunit ang gilid ng aking mga mata. Diretso lamang ako nakatingin sa kaniya at parang hindi pa iyon kayang iproseso ng utak ko. Napatulala na lamang ako.

"Tara na!" Bumalik ako sa sarili at tumalima sa kaniya nang hilahin niya ako.

Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa gulat at sa bilis ng tibok ng puso ko.

Siya na ang kusang pumara ng taxi para sa amin. Tigil pa rin ako, nagpapakaanod mula sa kilos ni Elmo. Hanggang makasakay kami, wala salitang kayang ilabas ng bibig ko. Wala akong mai-react dahil nakadampi pa rin sa akin ang saya noong nalaman kong si Mando ay si Percy. Nagkakagulo ang sistema ko hanggang hamukin na ako nitong tanggalin ang saya at palitan ng takot.

Bakit ngayon pa?

Pagkaandar ng taxi, nahagip pa ng mga mata ko si Peter na lumabas mula sa hotel, palinga-linga ito at tila hinahanap ako. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nakatulala lamang ako habang umaandar ang sinasakyan namin. Samantalang ang katabi ko ay hindi mapakali at ang paulit-ulit na may ibinubulong, nagdadasal.

"Elmo," tawag ko sa kaniya. "Kinakabahan ako," pagkasabi ko no'n ay nagsiunahang nagbagsakan ang mga luha ko.

Tiningnan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko. "Ang mahalaga, wala ka roon. Ligtas ka."

Hindi.

Hindi iyon ang ikinakakaba ko.

Si Mando.

Pero hindi puwedeng 'yan ang sabihin ko sa kaniya.

Huminto bigla ang taxi. Nagtaka ako. Lumingon agad ako sa labas para siguraduhin kung nandoon na kami sa bahay pero wala. Napunta sa driver ang pansin ko nang mariin itong maglabas ng mura. "Tang*na."

Pinanood ko siyang bumaba at binuksan ang makina ng sasakyan sa harap. Napagtanto kong nasiraan pala kami.

"Kapag minalamas ka nga naman talaga, oh!" bulalas ni Elmo.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas, pamilyar na ako rito at parang malapit na kami.

Walang pasabi akong bumaba ng taxi.

"Erin, saan ka pupunta?" habol ni Elmo pero hindi ko iyon pinansin.

Hindi ko kayang maghintay nang matagal nang alam kong may magagawa naman ako.

Ramdam kong nakasunod sa akin si Elmo at panay tawag sa pangalan ko.

Hinubad ko ang suot kong heels upang mas bumilis pa ang aking pagtakbo at mapadali. Itinapon ko na lang 'yon sa kung saan. Ramdam na ramdam ko ang paghampas ng malamig ng simoy ng hangin. Alas-dose na ng gabi at tanging mga ilaw sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa daang tinatahak ko.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon