31. Hindi Mapakali

346 14 0
                                    

Chapter 31: Hindi Mapakali

Erin

Hindi ko naramdaman ang presensiya ni Mando buong gabi. Hindi na naman akong umaasang babalik siya pero hinintay ko pa rin siyang dumating.

Pinagmasdan ko na lang 'yong bagay na iniwan niya, hindi ko inakalang hindi ako magsasawa sa ginagawa at inabot pa ako ng oras. Marahil ito yata 'yong bagay na tinutukoy niya noong may iniwan siyang sulat noong habang wala ako buong magdamag sa bahay. Hindi ko na naitanong pa sa kaniya 'yong tungkol doon dahil nakalimutan ko na rin naman. Ngunit palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya ako binigyan ng ganito.

"Para saan kaya 'to?" tanong ko sa sarili.

Peace offering ba dahil nagkasagutan kami no'ng huling gabi o pagpapasalamat kasi tinutulungan ko siya?

Siguro, pareho.

Pero sa mga oras na tinitingnan ko ito, nahikayat ako nito na sabihin na kay Mando ang unang kutob ko patungkol sa puso ng gubat; na maaaring nasa loob lang ng bahay nina Elmo, na malapit lang pala sa amin. Pakiramdaman ko, kailangan na ni Mando itong malaman sa lalong madaling panahon. Alam ko kasing gustong-gusto na niyang maging normal ulit. Alam kong hirap na hirap na siyang gumalaw. Siguradong magiging masaya siya kapag nalaman na niya.

Pero ang tunay na tanong, paano ko iyon makukuha? Paano namin iyon makukuha sa bahay nina Elmo?

Hanggang hilahin na lang ako nang tuluyan ng antok. Hindi na nawala ang maliit na bote sa kamay ko hanggang sa pagpikit ko at paggising ko.

Kinabukasan, meron akong inihandang plano. Ito agad ang unang pumasok sa utak ko. Hindi ko masasabing perpekto at pulidong plano pero gagawin ko.

Muli kong pakikisamahan si Elmo. Iyan ang plano.

Susubukan kong sabayan siyang pumasok at umuwi galing school, sa bahay nila ako ulit madalas maghahapunan at tatambay, gaya ng palagi nilang pagyaya sa akin ng lola niya. Mga bagay na magiging dahilan para palagi akong nasa loob ng bahay nila. Sa ganoong klaseng paraan, marami akong pagkakataon para masilayan ang bagay na bumabagabag sa akin at hahanap ako ng tamang tiyempo para kuhanin ito. Kailangan ko itong maipakita kay Mando at makumpirma mula sa boses nito na ito nga ang matagal na niyang hinahanap.

Sana hindi ako pumalpak.

Sana 'yon na 'yon dahil ayaw kong madismaya si Mando.

Sumabay ako kay Elmo pumasok sa school. Sinabi ko sa kaniya na sa kanila ako kakain ngayong gabi, hindi naman niya ako tinanggihan. Natuwa pa nga siya.

Mabilis umandar ang oras. Pagdating ng hapunan, si Lola Racel ang naghanda ng kakainin. Pasimple kong kinukuhanan ng tingin 'yong bilog na bagay sa loob ng kabinet. Napapakagat na lamang ako ng ibabang labi. Nangangati man ako sa kinauupuan ko para kuhanin na iyon agad, nagpipigil ako. Hindi pa ito ang tamang oras para ipuslit iyon.

Pagkatapos kumain, napagdesisyunan kong tumambay muna sa kanila. Pinili rin ni Elmo na magpaiwan muna sa sala para samahan ako at magkuwentuhan ng kung anu-ano. Samantalang nauna nang matulog si Lola Racel dahil ang sabi niya, inaantok na raw siya. Mayamaya, tumayo si Elmo at kinuha ang hard drive na wari ko'y puro movies ang laman.

Manonood daw kami. Pareho pa kaming hindi inaantok.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong niya habang papalapit sa akin matapos isaksak ang hard drive sa tv. Naupo 'to sa tabi ko.

Ngumiti ako. "Kahit ano. Basta, cartoon."

Nanglaki ang mga mata niya. "Hindi ko alam na cartoon pa rin pala ang paborito mo. Ipapaalala ko lang sa 'yo, hindi ka na bata."

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon