39. Mga Kantang Para Sa iyo

283 9 0
                                    

Chapter 39: Mga Kantang Para Sa iyo

Erin

Ikinuwento ko kay Mando ang pagtatagpo namin ng estrangherong lumapit sa akin. Ayon sa kaniya, tama lang daw 'yong ginawa kong pagtanggi upang hindi na pagmulan pa 'yon ng hinala ng mga taong nakakita sa amin.

"Walang problema. Hayaan mo, ako na lang ang bahalang kumausap sa kaniya kapag may pagkakataon akong bumalik sa gubat," tugon niya.

Naging dahilan 'yon ng pagngiti ko. Sad'yang nagulat lang ako nang biglang may lalaking nagtanong ng ganoon sa akin. Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin kung anong klaseng pagkadismaya ang naramdaman niya sa kabila ng aking pagtanggi, lalo na't ako ang nagsisilbing sinag ng pag-asa para sa kanila.

Dalawang linggo bago ang nalalapit na kompetisyon, bukas babalik kami sa Recording Company para sa Press Conference. Doon, gaganapin ang mga interview kaya gagalingan ko talaga sa pagsagot at masabi ang kailangang masabi.

Makalipas naman ang dalawang araw, ilalabas na ang mga Music Video at pati na rin ang Lyrics Video. Hindi pa namin napapanood iyon kaya dapat kumpleto ulit kami sa studio habang nag-aabang. Pagkatapos kong umuwi araw kung kailan nag-shoot kami ng video, kinikiliti ako ng mga bulati ko sa katawan para hindi mapakali, lalo na't nakasaalang dito ang pagtulong ko kay Mando. Sana maipakita ang bangungot ng Paraiso de Kaunis. Hindi mawala-wala sa panalangin ko na sana magustuhan ito ng mga tao at maraming makarinig kahit hindi tanyag ang pangalan namin sa industriya na ito.

Sa kabila ng pagpapakaba sa akin ng kompetisyon, halos lahat naman ng estudyante sa school ay bakas ang labis na pagkasabik sa nalalapit na Prom. Kapapasok ko pa lang ng school, 'yon agad sentro ng topic nila. Nang marinig ko 'yon, doon ko biglang naalala ang pagyaya sa akin ni Elmo.

Pagkatapos kong kumain ng tanghalian, dumaretso ako sa room ni Elmo. Balak ko siyang tanungin upang makatiyak. Tanda ko ang schedule niya ngayong araw. Mas maagang natatapos ang klase ko ngayong umaga kaya maaga ako nagtatanghalian kumpara sa kaniya.

"Hi!" Salubong ko sa kaniya nang lumabas ito kasama ang mga tropa niya. Limang minuto lang ang ginawa kong paghihintay, sakto lang ang dating ko. Nakasuot ito ng malinis na lab gown, kagaya ng akin.

Natigilan ito. Nagtatakang ekspresyon ang ipinukol niya sa kaniyang mukha. "Bakit?" Lumingon muna siya sa mga tropa niya. "Sige, una muna kayo sa paradahan ng tricycle, sandali lang."

"Sige, pre! Hinatayin ka namin."

Nang makaalis ang mga tropa niya, sinalo na niya ang mga tingin ko sa kaniya. "Bakit?" tanong niya ulit. "May pupuntahan ba tayo? May napag-usapan bang magkikita tayo ngayon? Hindi ako puwede."

"Saan kayo pupunta? Uwian niyo na ba?" ibang tanong ang nasabi ko dahil sa kuryosidad.

Umiling siya. "Sana nga uwian na pero hindi, pupunta kaming sa hospital para sa internship." Bahagya akong nahiya. "Palibhasa ikaw, binabalewa mo lang training mo at diretso doon, sa studio. Kailan pa ba huli mong training at hindi mo na ipinagpatuloy? Balita ko, hindi ka raw consistent sa pag-attend? Saan kaya pupulutin ng prof mo grades mo ngayon?" Umurong dila ko. Dapat hindi na lang ako nagtanong at hindi siya nagbukas ng topic tungkol doon. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod na rin ako. "Bakit ka nga pala napadpad dito?"

Sinubukan kong salubungin ang mga tingin niya kahit nahiya ako sa mga huli niyang sinabi. "Itatanong ko lang sana kung date mo pa rin ako sa Prom?"

Lumabas ang ngiti sa labi niya. Isang totoong ngiti na matagal ko nang hindi nasisilayan. "Oo. Sa tingin mo ba aayaw ako? Eh, ako nga 'tong nag-initiate sa 'yo."

Ibinaling ko sa daan ang aking paningin. "Hindi naman. Sinisigurado ko lang dahil hindi tayo masyadong nag-uusap. Pero sige, 'yon lang naman ang gusto kong malaman. Akala ko kasi hindi na matutuloy. Una na rin ako. Salamat."

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon