36. Kaniyang Kamay

292 11 7
                                    

Chapter 36: Kaniyang Kamay

Erin

"Erin, okay ka lang ba? Nawawala ka sa tono. May mga hindi ka naaabot. May sharp din." Dinig kong pagpuna ni Peter sa kung paano ako umawit kaya napahinto ako, ganoon din ang mga kasamahan kong tumutugtog. Napako sa akin ang kanilang atensyon.

Napahilot ako at napasinghap. Bahagya kong tiningnan ang lyrics ng kanta sa music stand. Aminado akong kanina pa ako wala sa pokus dahil sa mga bagay-bagay na naglalaro sa utak ko. Pinipigilan kong huwag madamay ang boses ko kaso tunay ngang matalas ang pandinig ni Peter at mahusay siya sa ganito kaya nahahalata niyang may mali sa akin.

"Sorry, isa pa," sabi ko nang hindi nalingon sa kanila.

"Relaks ka lang, mukha kang kinakabahan," tugon ni Peter pagkatapos ay naramdaman kong inutusan na niya ang mga kasamahan namin na muling tumugtog. Hindi ko na lang pinansin.

Tama siya. May kaunting kaba pa rin sa loob-loob ko. Ewan ko. Ang hirap ilihim sa ilalim ng boses ang kaba lalo na sa kaniya.

Kagaya ng napagplanuhan kahapon, nagsisimula na kaming mag-practice bilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon ngunit nasa himpapawid ang utak ko mula sa natagpuan ko kanina. Sigurado na ako kung sino kumuha sa bahay ang pinaghihinalaan kong puso ng gubat, si Elmo. Wala nang iba. Hindi na ako magtataka kung bumubuo na siya ng mga hinala sa mga pinaplano ko kaya ngayon, hindi ko maiwasang kabahan kapag iniisip ko kung paano kung isang araw ay komprontahin niya ako at tanungin kung ano ba ang pakay ko sa kinuha ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kahina-hinala rin naman ang mga kinikilos ko nitong mga nakaraawang linggong kasama siya. Hindi ko alam kung paano kakayanin ng mga tuhod ko para harapin siya kung nagkataon. Hindi ko rin alam kung tama bang iwasan siya.

Sinubukan kong pumikit at bigyan ng sapat na emosyon ang himig ng kanta nang muli ko ulit ibinuka ang bibig pero hindi pa ako nakakaabot sa chorus na part, sumablay ulit ako, biglang nawala sa labi ko ang mga sumunod na linya. Mabilis akong napadilat at sinulyapan ang lyrics para habulin pero tuluyan ko na itong hindi nabigkas. Muli silang huminto.

Ibinababa ko ang mic at sandaling napahilamos ng mukha. Itinaas ko ang hintuturo ko. "Isa pa nga," sabi ko na may halong kaunting inis sa sarili. Nabablanko ako.

"Naku, paano tayo makakausad nito? Hindi ito 'yong maling pupunain natin. Kung dito palang, pasala-sala na. Ito pa man din 'yong palagi nating pina-practice noon at alam kong sanay na sanay ka na rito, 'di ba?" mga salitang sinambit ni Peter. Nahagip ng mga mata ko sa anino niya kung paano siya magkamot ng ulo sa may bandang likuran ko. "Erin, hindi ka ganyan kapag kinakanta mo ang 'Paraiso'. May iba talaga sa 'yo ngayon."

Nanatili akong nakatalikod at nakatingin sa lyrics para ilagay sa utak. Lagot! Imposibleng makalimutan ko 'to. Ako gumawa nito, eh. "Sorry," tanging nasagot ko.

"Gusto mo magpahinga muna?"

"Wala pa tayong isang oras nagsisimula."

"Kumain ka ba?"

Marahan akong tumango.

"Pero mukha ka kasing walang gana, Erin," pagsingit ni Jeric. "Kanina pa. No'ng pagkarating mo, parang ang lalim ng iniisip mo at parang lantay na gulay 'yang katawan mo. Hindi ka naman siguro tinatamad."

Sa oras na iyon, napaharap na ako sa kanila para umiling at itanggi 'yong ganoong iniisip nila. Hindi ako tinatamad. May bumabagabag lamang sa akin. "Hindi nga!" segunda ko.

Nahulog ang magkabilang-balikat ko. Sandali kaming natahimik.

"Ano ba iniisip mo? Dali." Kinatitigan ko si Peter, hindi ko inaasahan 'yang sinabi niya. Umayos ito ng upo sa parang wooden bar chair at idiniretso ang mga mata sa akin. "Makikinig kami, 'di ba?" dagdag pa niya at tumango ang tatlo.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon