14. Pagpayag

315 18 2
                                    

Chapter 14: Pagpayag

Erin

Tahimik lamang ako naglalakad sa gitna ng madilim na kalsada. Kanina pa ako binabalot ng malamig na paligid. Bahagyang binasa ko ang ibabang labi ko nang ramdam kong nanuyo iyon pagkatapos nang biglang pag-ihip ng hangin. Hinayaan ko na lang din liparin ang aking nakalugay na buhok.

Laking pasasalamat ko nang kusang umatras sa pagtakas ang mga luha ko. Nabunutan kahit papaano ang tinik sa dibdib ko dahil sa sandaling sagutan namin ni Papa. Napaganda no'n ang pakiramdam ko at humihiling akong sana may magandang kalalabasan iyon. Nabawasan na rin ang aalalahanin ko, nailabas ko ang sama ng loob ko sa kaniya. Alam kong hindi pa naging ganoon kaayos ang pag-uusap namin pero siguro sapat na naman iyon dahil ang mahalaga sa akin, nakita ko ang pagsisisi sa mukha niya. Hinding-hindi ko gugustuhin na masaktan si Mama dahil sa kakagag*hang ginagawa niya at itaga man sa bato, hindi niya 'to malalaman. Gagawin ko ang lahat para itago 'to. Kaya sana ihinto na 'to ni Papa. Idagdag na rin sa paggaan ng pakiramdam ko dahil sa dala ng lamig ng hangin.

Ganoon pa man, sa paglalakad ko, wala akong ibang iniisip kung hindi, ano ba ang dahilan ni Papa para gawin sa amin iyon? Kung bakit hindi siya nakuntento sa amin? Kaya ba ganoon kalamig ng pakikitungo niya sa amin dahil sa ibang tao niya ibinubuhos kung sino talaga siya? Napapaluha ako at agad ko rin pinapahid iyon. Sana maging masaya rin siya sa amin dahil kami 'yong pamilya niya.

Bahagyang niyakap ko ang aking sarili.

Hindi ko na alam kung anong oras na nang makauwi na ako sa bahay. Hindi ko rin inakalang nakapaglakad ako simulang bahay namin hanggang dito. Walang halos tao akong nakasalubong sa daan. Namalayan ko lang na medyo malayo na pala ang nilakad ko nang saka ko lang maramdaman ang matinding pagod nang nasa tapat na ako ng bahay, saka kumirot ang mga binti ko.

Binuksan ko ang mga ilaw kung kaya't nawaglit ang dilim ng buong paligid. Nilapag ko ang mga plastic ng ulam sa ibabaw ng hapagkainan. Pagkatapos, agad akong dumaretso sa itaas dahil hinahanap na ng katawan ko ang malambot na kama. Padapa ako puwesto rito. Wala na akong gana para mag-ayos ng sarili at kumain. Hindi pa naman kumakalam ang sikmura ko. Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa mga kabanda ko. Kailangan kong ihanda ang sarili bukas para sa mahaba-habang pagpapaliwanag pero iniisip ko rin na isekreto na lang 'to.

Gusto ko na lang matulog.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin ako niyayaya ng antok para matulog. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakatulala sa kawalan. Hindi nagtagal, naudlot ang pagtulala ko at huminga ako nang malalim nang dumilim bigla ang paligid.

"Brownout," tipid kong sambit, sinundan ng pagsinghap. "Na naman?" Inis na napahilamos ako ng mukha.

Kukunin ko na sana ang phone ko para gamiting flashlight nang makarinig akong pagbukas ng pintuan sa ibaba. Inakala kong si Elmo iyon pero nagkamali ako nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon.

"Erin?"

Si Mando.

Halos makalimutan kong pumupunta pala siya rito tuwing kalagitnaan ng gabi at hindi ko na nagawang makatakas. Datapwat, imbes na mataranta katulad noon, nanatili akong nakaupo sa paanan ng kama ko at hinintay ang pagdating niya rito sa itaas, kalmado. Siguro naipon ko na ang lakas na loob ko at naihanda ko na ang sarili para harapin siya pero hindi para makausap siya, ayaw ko pa ngayon dahil hindi pa ako ayos kaya sana huwag niya muna akong kulitin at pilitin. Sapagkat nabigyan ng lamat ang nangyari kanina ang kalagayan ko ngayon. Dinig ko ang bawat yabag niya sa hagdan.

"Erin?" Nalaman kong nasa may pintuan na siya ng kuwarto ko dahil doon ko mas malinaw narinig ang boses niya. "Ba't hindi ka nasagot?"

Huminga ako nang malalim. "Wala akong gana ngayon, Mando. Please, matutulog na ako," mahina kong pakiusap. Muli akong humilata at pilit na ipinikit ang mga mata. Tumalikod ako kung nasaan siya. Gustuhin ko man ang mapag-isa pero wala na akong magagawa dahil nandito na siya.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon