21. Nasanay

267 15 4
                                    

Chapter 21: Nasanay

Erin

"Bakit kanina ka pa tingin nang tingin diyan sa bintana?" usiserong pagpuna sa akin ni Peter.

Agad umikot sa kaniya ang paningin ko.

Napapansin niya pala 'yong patago kong pagsilay sa labas at ngayon, hindi lang siya nakatiis para tanungin ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagpakadungaw-dungaw sa bintana.

Ala-una na ng madaling araw pero naghahanda pa lamang siya upang umuwi. Pinilit naming tapusin ang first verse draft ng lyrics ng 'Paraiso' pero natagalan kami sa paglalagay ng tono rito. Siya ang nagkusang nagsabi sa akin na uuwi na siya dahil inaantok na raw siya. Parehong napagod ang mga utak namin sa kaiisip. Kailangan ko na rin magpahinga dahil may pasok pa ako bukas. Hindi ako puwedeng um-absent. Ang dami ko nang na-missed na lesson.

Umiling ako. "Wala naman."

"Naaalibadbaran ka ba sa akin?"

"Kailangan pa bang itanong iyan?"

"Siyempre, oo, 'no?" mariing sabi niya habang nakangiti.

Tumango ako.

"Ang galing kong maghula," aniya, sarkastiko.

"Sobrang galing," sarkastiko kong tugon.

"Hulaan ko na rin kung sinong nakatakda para sa iyo."

"Sige nga, sino?" pagsegunda ko. Umayos pa ako ng upo, napadekuwatro ako at nangalumbaba habang nakikipaglaban ng titig sa kaniya. "Ikaw?"

Napatawa siya. "Sa kasamaang palad, hindi."

Natigilan ako sa sagot niya. Ibinaba ko ang paa ko at napaurong. Hindi ko mabasa ang mga mata niya.

"Bakit?"

"Kailangan pa bang itanong iyan?" Hindi na lang ako umimik at nagkibit-balikat na lang. Tumingin ako sa ibang direksyon. Umurong ang dila ko. "Uy, nag-expect din siya na sarili ko ang isasagot ko. Aminin mo na kasi, gusto mo rin ako. Halata naman sa mukha mong nalungkot ka."

Itinaas ko ang paningin ko sa kaniya, pero nagulat ako nang biglang kindatan niya ako. Agad naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "Ang taas din ng confidence mo, 'no? Asa ka."

"Aray." Nagkunwari pa siyang nasaktan pero hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya. "Sige na nga. Aalis na ako, ah? Baka mas mahulog ka pa sa akin," paalam niya pagkatapos niyang suotin ang jacket niya at naglalakad patungo sa pinto. Hindi ba niya napapansin na hindi ako kumportable sa mga sinasabi niya? Ikinasasaya niya bang inisin ako?

"Ewan ko sa 'yo." Sinamaan ko siya ng tingin pero ikinatawa niya lang.

Binuksan na niya ang pintuan pero naputol ang paghinga ko nang maluwag dahil akala ko, tuluyan na niya ako lulubayan. Kaso humarap muna siya sa akin. Nakalatag sa mukha niya ang makahulugan na ekspresyon at nakangiti siyang malapad, bagay na ikinailang ko. Para siyang batang may hinihingi sa akin o may inaabangan. Kailan niya ba ako tatantanan?

"Ano?"

"May nakalimutan ako."

Kumunot ang noo ko. "Ano na naman 'yon?" Maiging pinag-aralan ko muna ang nakalolokong mukha niya. Pero base sa biglang pagtaas-baba niya ng kaniyang kilay, doon ko nakumpirma kung ano ang tinutukoy niya.

Titig na titig siya sa akin. "I lov-"

"Kung ano man iyang sasabihin mo, huwag mo na lang ituloy, okay?" pagpigil ko, may tono ng pagkairita. Umirap ako at mabilis na tumayo para hugutin sa saksakan ang keyboard piano.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon