24. Bumalik

292 15 0
                                    

Chapter 24: Bumalik

Erin

Todo iwas ako ng tingin kay Peter nang pumasok ito, kasunod niya ang tatlo. Agad siyang dumaretso sa laptop para ayusin 'yong mali niya. Hindi na ako nag-abalang panoorin pa siya tulad ng sabi niya kanina. Hindi ko binibitawan 'yong hawak kong bote ng tubig. Ito agad ang una kong kinuha pagkapasok para mahimasmasan. Malapit na itong maubos.

Tahimik lang akong nakaupo. Ang tatlo naman ay itinuon na lang ang mga atensyon sa kani-kaniyang instrumento para may mapaglibangan. Ramdam din nila ang bigat ng awra sa paligid at piniling hindi magsalita.

Nang hindi ko na makayanan ang presensya ni Peter, napagdesisyunan kong magpaalam na sa kanila na uuwi na ako. Alam kong maaga pa lang pero parang hindi ako makahinga. Sobra akong naiilang. Hindi lang ito ang unang beses na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan pero parang may ibang ihip 'yong ngayon.

Hindi manlang ako tinapunan ng tingin ni Peter at parang hangin lang ako sa kaniya.

Subalit bago ko pa mahawakan ang door knob palabas, napahinto ako nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Muling nag-alab sa loob-loob ko ang kaba. Sumunod pala siya sa akin.

"Erin, okay na." Mababakas na may tampo sa ilalim ng kaniyang baritonong boses. Hindi ganyan ang klaseng boses niya 'pag kausap ako. Hindi buong-buo. Nagdadalawang-isip akong humarap sa kaniya pero sa huli, nilakasan ko ang loob ko.

Tuwid siyang nakatayo at blanko ang kaniyang mukha.

"Sorry," tanging tugon ko, mukhang nakuha naman niya ang nais iparating ng sorry ko.

Sinubukan kong salubungin ang titig niya sa akin pero agad din akong sumuko, nailang din ako agad.

Sandali niya pa ako tinitigan bago magsalita. "'Di ba, ikaw 'yong may sabi na huwag kong ikumpara sarili ko sa kapatid ko? Sinunod ko iyon pero ngayon, malinaw na para sa akin, ganoon din pala ang iniisip mo."

Natigilan ako.

Nagulat ako sa lumabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil umurong bigla ang dila ko. Halatang sobrang apektado siya sa sinabi ko kanina. Sabihin ko man sa kaniya na nadala lang ako ng galit at hindi ko sinasadya pero alam kong kokontrahin niya iyon ng kahit hindi ako galit, ganoon pa rin ang tingin ko sa kaniya. Kahit hindi talaga. Ang totoo, bilib ako sa kaniya.

Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa akin. Ang bigat ng bagay na pumapagitan sa amin.

"'Yong tungkol sa kanta, sinadya ko 'yon." Pagputol niya sa katahimikan. Agad akong nabaling sa kaniya, nag-aabang sa sunod niyang sasabihin. "Oo. Aminin ko, sinadya kong ibang kanta 'yong ilagay doon at hindi 'yong kanta mo. Sinubukan kong magsinungaling kanina pero hindi ko kaya ngayon. Pero no'ng sinabi kong hindi ko sinasadya, hindi ko alam kung bakit galit na galit ka na agad sa akin. Puwede ko pa naman ayusin 'yon pero ang sakit mo na agad magsalita. Paano pa kaya kapag hindi ako umamin?" Huminto siya saglit. Yumuko ako. "Pero uunahan na kita, huwag mo akong huhusgahan. Wala kayo sa tamang posisyon na husgahan ako. Wala kayong alam at baka hindi niyo ako maintindihan. May dahilan ako kung bakit pinalitan ko ng ibang kanta 'yong 'Paraiso'. Kung bakit kailangan kong magsinungaling. Kung bakit nagkakaganito ako. Kung bakit parang gusto kong umatras na lang tayo sa competition na 'yan." Ang seryoso ng kaniyang boses.

"Anong dahilan?" nag-aalinlangan pa akong magtanong.

Sinubukan niya pa akong titigan pero sa bandang huli, umiwas siya ng tingin. Sa hindi malaman na dahilan, napansin ko ang biglang pangingilid ng mga luha niya sa kaniyang blankong mga mata, bagay na ipinagtaka ko. Humugot siya ng malalim na hininga at pilit itong pinunasan. Bigla akong nag-alala. Pakiramdam ko, meron isang bagay na hindi ko alam kaya ganyan siya. Hindi ko pa siya nasasaksihan na maging ganito. Nagsimula na rin siyang suminghot.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon