33. Muntikan

307 12 2
                                    

Chapter 33: Muntikan

Erin

"Sigurado ka? Uuwi ka na agad? Ayaw mong tumambay muna tayo sa amin? Manonood ng movie, chess, card games, mobile games, uuwi ka na agad? Sure?" Kanina pa ako ayaw tantanan ni Elmo, sunod-sunod ang kaniyang pagbitaw ng mga salitang ikinaririndi ko nang marinig hanggang makarating kami sa bahay ko.

Limingon ako sa kaniya. Samantalang siya ay isinandal ang siko sa pader na malapit sa pinto habang diretso ang tingin sa akin.

Tumingin ito sa relong suot. "Ma-e-eight PM palang, kahit 30 minutes lang. Tambay ka muna sa amin." Tumaas-baba pa ang kaniyang mga kilay.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinagkainin, nagpasya na akong magpaalam sa kanilang uuwi na ako, hindi na ako nag-abala pang ilapat ang pang-upo sa sala at gumawa ng kaunting pagkukuwentuhan kasama sila. Pero heto si Elmo, hindi nakuntento sa pagsabay ko sa kanila sa pagluluto at pagkain dahil pilit akong kinukumbinsing tumambay muna sa kanila at ayaw pauwiin. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan siya kaubod ng kakulit, nitong mga nakaraang araw ay sinanay ko siyang palagi akong nasa kanila tuwing gabi.

"Gusto mo bang mapuyat ako at tulog ang utak ko sa klase bukas? Tambak ang gawain ko ngayon."

"Samahan kita!" agad niyang pagpresenta at rumehistro ang isang maluwag na ngiti sa mukha niya.

"Huwag na," agad ko namang sagot na isinawalang-bahala niya.

"Tulungan pa kita! Tungkol saan ba 'yon? Baka alam ko, wala naman akong gagawin." Muli siyang nagtaas-baba ng kilay.

Umasim ang mukha ko. "Huwag na nga sabi."

Nahulog ang balikat niya. Pinalitan ng pagkunot ng noo niya ang ngiti. "Bakit naman?"

"Ayaw ko. Imbes na makatulong ka, alam kong dadaldalin mo lang ako. Dagdag abala ka pa, uy."

"E di, tatahimik ako."

Napailing ako habang natatawa. "Huwag kang makulit. Maingay ka."

Napahawak ito sa kaniyang batok at mukhang nahawa siya sa akin dahil bahagya rin siyang napatawa. "Sabagay." Isinilid niya na lang ang mga kamay sa kaniyang mga bulsa. "Sige na nga. Good night na lang. Paano? Kita na lang tayo bukas?"

Tumango ako. "Matulog ka na lang nang maaga ngayon, good night."

Nagkibit-balikat siya. "Ano pa nga ba?"

Nang akala ko ay babalik na siya sa kanilang bahay, akma ko nang iiikot ang doorknob ngunit sadya niyang ipinarinig ang kaniyang malakas na pagtikhim.

Tiningnan ko siya na habang nakasulat sa mukha ko ang pagtatanong kung bakit.

"Excited na ako sa Prom Night. Wala nang bawian iyon. Masaya ako kasi pumayag ka." Pinatunayan ng namumutawi niyang malapad na ngiti sa mukha ang lumabas sa bibig niyang excited na nga siya, nangungusap ang saya.

"Oo. Kahit gagastos pa ako para sa gown at pang-makeup, kawawa ka naman kapag no choice kang si Chelsea ulit ang ka-partner mo."

"Salamat talaga!" Mas lumawak ang ngiti niya hanggang lumitaw ang mga mapuputi at pantay niyang ngipin. Kung ikukumpara ang seryoso niyang mukha kanina sa ngayon na nasasaksihan ko, walang talab iyon. Magaan ang awra ng hitsura niya. "Alam ko naman hindi mo ako matatanggihan."

Umikot ang mata ko pataas. "Hindi ako handa sa kahanginan mo. Ewan ko sa 'yo!"

Tinawanan niya lang ako. Muli akong umirap. Hindi ko na siya pinansin, hinayaan na niya akong tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon