48. Nagmamakaawa

325 14 1
                                    

Chapter 48: Nagmamakaawa

Erin

Iyak ako nang iyak.

"Ineng, delikado rito! Tara na!" Dahan-dahan kong itinunghay ang aking ulo. Lumikas ako mula sa pagkakalunod ng sariling luha noong marinig ko ang tawag na iyon. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid, sinubukan kong hanapin ang pinagmumulan ng boses pero bigo akong usok at nasusunog kong gamit ang natagpuan ko.

Nagsimulang mangatal ang buong katawan ko nang inilibot ko pa maigi ang paningin ko. Dahil sa labis ng pag-angkas ng emosyon sa dibdib ko, saka lang ako nakaramdaman ng matinding takot nang napagtanto ko na puro apoy na pala ang buong paligid. Unti-unti na lumiliit ang lugar na puwedeng apakan at gumagawa na ng daan ang apoy upang makalapit nang tuluyan sa puwesto ko. Bahagya akong lumayo at nanglaki ang mga mata ko nang hindi ko namamalayang nadikitan na ng kaunting apoy ang laylayan ng gown ko, agad ko iyon pinagpagan bago pa ito tuluyang masunog at madamay ako. Sirang-sira na ito.

Maingat akong tumayo at muling niyapos ang suot. Hindi hamak na napakadelikado na ng lugar ngunit inuna ko pang masaktan at umiyak.

"Ineng! Asaan ka ba?" Dinig kong tuloy nitong hanap sa akin, mas malakas na wari ko'y malapit na ito sa aking gawi.

"Nandito po ako! Tulong!" sigaw ko kahit punong-puno pa ng hikbi ang aking boses. Hindi ito ang tamang panahon na pairalin at ipagpatuloy ko ang pag-iyak ko, nasa panganib ako. Hindi na ako puwedeng magtagal pa rito dahil maaaring may hindi maganda akong paglagyan.

Ang bilis ng pintig ng puso ko dulot ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano pa ako iiwas sa mga apoy. Nilamon na rin ako ng usok at panay na ako sa pag-ubo, at ang nagdidikit na rin ang init ng hangin sa luha ko sa mga mata, halos mapapikit na ako sa hapdi.

"Diyan ka lang, hintayin mo kami!"

Sinunod ko ang salitang iyon.

Sobra akong nagpasalamat nang wala pang kalahating segundo ay natanaw ko sa pintuan ng kuwarto ang dalawang lalaking balot na balot na kulay pulang kasuotan, tila protektado sila mula sa kapahamakan. Hinawi-hawi nila ang mga usok na bumabalot sa aking paligid.

"Ibabalot namin 'to sa katawan mo!" Hindi na ako nakapagsalita nang mahigpit na nilang itinali sa akin ang basang blangket na kanilang dala. "'Tapos, itakip mo 'to sa bibig at ilong mo." Binigyan nila ako ng basang bimpo at nangangatal kong sinunod ang kanilang bilin.

Mahigpit nila akong kinapitan. "Gagapang tayo pababa, tara na," sabi ng isa pang lalaki.

Nakarating kami sa hagdan nang ganoon ang ginawa, tahimik lamang akong nakasunod sa kanila dahil kabado ako. Nasa makabilang gilid ko sila, nakakulong ako sa kanilang pagitan. Ipinagptuloy namin ang maingat na paggapang palabas ng bahay upang makasiguradong hindi ako madidikitan ng apoy. Bagamat hindi ko na ninais pang pagmasdan ang paligid, tinakpan ko na rin ang aking mukha. Dumadagdag lang 'yon sa takot ko.

Nang ligtas kaming makalabas ay idiretso nila ako sa ambulansyang nakaparada sa tapat ng bahay nina Elmo. Pinaupo nila ako sa isang strecher upang ipatingnan ang aking lagay.

"Ineng, huwag na huwag mong uulitin 'yon. Maaari kang mamatay sa ginawa mo," babala sa akin ng isang lalaking tumulong sa akin. Sunod bumaling siya sa babaeng lumapit sa amin noong pagkalabas namin ng bahay, bahagi siya ng isang medical team. "Ikaw muna bahala sa kaniya," sabi niya rito bago muli itong bumalik sa pagtulong na maapula ang malaking apoy. Sinundan ko siya ng tingin hanggang masilayan ko muli ang bahay kong tinutupok ng apoy, palakas nang palakas.

Napatulala ako. Ang bigat. Hindi ko inaasahan ang bawat pangyayari. Hindi ganitong klaseng gabi ang gusto kong daanan na oras. Hindi ito dapat parte ngayong gabi. Hindi ko 'to pinangarap.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon