5. Pangalan

382 20 0
                                    

Chapter 5: Pangalan

Erin

Nais ko sanang tanungin kung nagbibiro lang siya pero mula sa himig ng boses na ginamit niya, malinaw na nagsasabi siya ng totoo. Maniniwala ba ako? Kasi, unang pagkakataon lang 'to na may nagpakilala sa akin na hindi ko maintindihan kung anong klaseng nilalang siya. Talaga bang totoo 'yong mga ganoon? Akala ko, kuwentong bayan lang iyon? Guni-guni lang ng mga tao. Hindi ko tuloy maiwasanang matakot. Nasa iisang bahay lang kami at pareho ang nilalanghap na hangin. Hindi ko makumbinsi ang sarili na paniwalaan nang buo ang sinabi niya.

"Siraulo ka ba?"

Hindi siya sumagot.

"May ganoon ba?"

Hindi muli siya sumagot.

"Weird," nasambit ko na lamang.

"Nasa sa iyo na lang kung maniniwala ka o hindi. Basta, nagsasabi ako ng totoo," sabi niya. "Sige, mauna na ako." Rinig ko ang yabag niya dahil sa mabibigat niyang bawat hakbang. Nabakas kong sa hagdan siya dadaan, imbes na sa karaniwan na pintuan. Ibig sabihin ba no'n, sa second floor siya nanggaling kanina?

"Teka!" pigil ko. Marami pang tanong ang umiikot sa utak ko ngayon.

Rinig ko ang paghinto niya sa baitang ng hagdan. "Ano?" malamig niyang tugon at hinintay ang tanong ko.

"Wala ka talagang gagawin masama sa akin? Hindi ka magnanakaw? Hindi ka rapist? Hindi ka kidnapper?" 

Ilang segundong namayani ang katahimikan bago ko marinig ang maunti niyang tawa hanggang lumakas na ito. Naging interesado tuloy ako kung ano hitsura niya habang natawa. "Bakit? Parang gusto mong may gawin ako sa iyong masama, ah? Gusto mong pagsamantalahan kita? Madali akong kausap."

Niyakap ko agad ang sarili ko at gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. "Siyempre, hindi!"

"'Yon naman pala."

"Kung hindi ka ganoon, bakit ka nandito sa bahay?"

"Alam mo, imbes na mainis na ako sa iyo kasi paulit-ulit na lang ako ng sinasabi, natatawa pa ako. Nakalilimutan mo ba agad ang mga sinasabi ko? Ang cute mo. Pagkatiwalaan mo na lang ako." Naglalaho na ang pagiging maangas niya.

"Cute? Ako?" mahina kong ulit. Awtomatikong umakyat ang mga dugo ko mula sa katawan patungo sa dalawa kong pisngi. Mabuti na lang at madilim dahil hindi niya makikita ang pamumula ng mga ito.

"Ewan." Umismid siya. "Ang gulo mong kausap."

"Bakit ka nga naparito?" naiinip kong tanong.

Naramdaman kong bumaba siya ng hagdan at umupo ulit sa kahoy na upuan. "Mukhang ayaw mo pa akong paalisin, ha? . . . Dito nga ako nakatira. Kapag nandito ako, safe ako kasi walang makakakita sa akin," sagot niya. "Hindi ka ba nangangalay diyan? Para kang tuod na kanina pang nakatayo. Kung tinatabihan mo na lang ako rito."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kahit may naiwan na tanong sa akin dahil sa tingin ko, mas mahalaga itong isang tanong na itatanong ko. "Multo ka ba?"

"Huwag mo akong patawanin ulit. Pinapasakit mo lang ang tiyan ko at panga ko, eh."

"Engkanto? Kapre? Baka naman alien ka pala?"

"Hindi nga ako mythological creatures. Ang kulit mo. Palagi ko ba dapat ipapaalala sa iyo 'yon? Lalong-laong hindi ako Alien. Hindi ako kuloy lumot. Hindi ako galing sa ibang planeta. Katulad mo lang din ako, tao lang din ako pero ang problema nga lang at pinagkaiba nating dalawa, bawal ninyo ako makita."

"Bakit?" agap ko.

Napatawa siya. Pero ngayon, mas malakas na talaga. Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Nang maubos ang tawa niya, muli siyang magsalita at rinig kong napahilamos siya ng mukha. "Paulit-ulit ka rin, eh 'no?" Humugot siya nang malalim na hininga upang mapawi ang pagtawa. "Kapag nakita niyo nga ako, maglalaho na lang akong parang bula at hindi na babalik pa. Ayun ang rule na kailangan kong sundin at pinanghahawakan." Muli siyang tumayo. Samantalang ako, nanatiling matigas sa kinatatayuan ko. Nangangapa sa paligid kung saan siya naroon.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon