16. Gubat

288 18 1
                                    

Chapter 16: Gubat

Erin

"Paano? Dito na lang? Dito ka na pala nakatira?" sambit ni Peter habang pinagmamasdan ang bahay ko. Kararating lang namin nang nagpumilit siyang ihatid ako, naisip ko kasing hindi magandang ideya 'yon dahil malalaman niya kung saan ako panandaliang nakatira. Nakasilid sa bulsa niya ang mga kamay niya at masusing sinusuri ang bahay. "Hindi ba parang delikado ka rito? Mag-isa ka lang ba?" bumaling siya sa akin.

Umiling ako. "Hindi, meron akong kasama. Hindi pa nga lang yata nauwi," pagsisinungaling ko. "Saka, mababait naman 'yong mga kapit-bahay ko rito. At dito rin naman kami nakatira noon."

"Sayang," napasuntok siya sa ere. Napakunot ako ng noo. "Gusto pa man sana kitang samahan rito, akala ko pa man din mag-isa ka lang. Parang live in tayo, ganoon." Nagulat ako sa hirit niya. Tinaas-baba niya pa ang kaniyang mga kilay at ngiting nang-aasar ang rumehistro sa labi niya.

Hindi ako sumagot, bagkus umiwas ako ng tingin. Nang maramdaman niyang hindi ako kumportable at pumagitna ang nakaiilang na katahimikan, binago na niya ang kaniyang sinabi. "Bakit ba wala ka sa bahay ninyo?"

Muli ko siyang tiningnan. "Uhmm . . . Wala lang. Gusto ko munang dumistansya." Matindi niya akong tinitigan, bagay na ikinaiilang ko, parang hindi siya naniniwala sa aking sinabi.

"Bakit? Anong problema?"

"Lumipat lang ako ng tirahan, may problema na agad? Wala," pagdepensa ko at pagkatapos, sinundan 'yon ng paghikab. Nagkukunwaring inaantok na upang makatakas sa kaniya. "Gusto ko nang matulog. Papasok na ako, ah? Ingat ka."

"Teka." Nagulat ako nang sambutin niya ang kamay ko at inilapag niya rito ang isang puting sobre. Gumapang ang tingin ko mula sa kamay naming hindi niya pinapakawalan hanggang sa mukha niya. "Napaghati-hatian na namin 'yong natanggap na pera sa huling raket natin kagabi, 'yan ang para sa 'yo. Kahit umalis ka, itinuloy pa rin namin ang pagtugtog at binigyan pa rin kami ng napag-usapang bayad."

Tinamaan ako ng konsensiya kahit hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil sa ginawa ko kagabi. "Sorry talaga kagabi." Agad kong binawi ang kamay ko nang parang wala siyang balak itong bitawan. Kakaiba na talaga si Peter. Sweet siya noon, oo pero ngayon, parang bawat kilos niya at sinasabi niya, may meaning na para sa akin. Hindi na ako kumportable. "At salamat dito."

Ngumiti siya sa akin. "Good night. Sana bukas, ganito ulit ang pakikitungo mo sa akin, ha? 'Yong hindi ka naiilang sa akin." Kung alam niya lang, sobra pa rin akong naiilang ngunit itinatago ko lang at tinuturuang masanay ang sarili.

Tinanguan ko siya. "Bawasan mo lang 'yong mga banat mo, hindi talaga ako sanay. Good night din."

Maliit siyang natawa.

Hinintay niya muna akong isarado ang pinto ng bahay bago siya naglakad paalis. Pagkapasok ko, doon na ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa aming dalawa sa mga araw na daraan pero sana, bumalik kami sa dati. Kahit matagal ko na siyang nakakasama, never ko pang nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya para sa akin.

Halos umusok agad ang ilong ko dahil sa inis nang ilang beses kong pinindot-pindot ang switch ng ilaw ngunit hindi pa rin nagliliwanag. Siguradong may kuryente naman sa lugar namin dahil sa mga bahay na nadaanan ko kanina.

"Pinatay ko na ulit ang circuit breaker." Lumundag ang puso ko nang marinig ko ang boses na iyon sa kung saan. Mariing akong napapikit dahil sa gulat. "Sino 'yong naghatid sa 'yo?" malamig nitong dagdag.

Mahaba akong bumuntong-hininga at napahawak sa ibabaw ng dibdib ko. Kaya pala ayaw bumukas ng ilaw, nandito na pala siya. "Nakakagulat ka naman. Gusto mo ba akong atakihin sa puso? Bakit ang aga mo? Alas-dose na ba?" Dumaretso ako sa lamesa. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at ipinatong sa ibabaw ng lamesa para may liwanag kahit papaano. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon