12. Sino Siya?

334 16 1
                                    

Chapter 12: Sino Siya?

Erin

Nawala ako sa sarili. Minuto din ang inabot nang matulala ako sa kawalan. Halos mawalan na rin ako ng hangin sa buong katawan. Inilaan ko ang sandaling oras ko para malalimang pinag-isipan ang pinagtagpi-tagping bagay na nalalaman ko pero sa huli, napailing na lang ako ng ulo. Masyado na sigurong maliit ang mundo para isipin kong si Percy at Mando ay iisa. Nagsakto lang siguro sa oras nang malaman kong nawawala ang kuwintas na ginawa ni Percy at may ibibigay naman sa akin si Mando.

"Imposible talaga." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago tumayo sa kinauupuan. Idinikit ko sa pinto ng ref ang papel gamit ang ref magnet.

Nagpalit muna ako ng suot bago humilata agad sa kama. Tumagal ng trenta minuto bago ako tuluyang nakatulog dahil sa mga bagay na tumatakbo pa rin sa utak ko kahit antok na antok na ako. Binabagabag ako ng mga bagay-bagay. Ewan ko ba. Pilit ko pa rin kinukumbinsi ang sarili kong hindi si Mando si Percy. Nananalangin din ako kung hindi man si Mando si Percy, sana buhay pa rin si Percy.

Dagdag na rin sa iniisip ko kung paano maibabalik sa dating pakikisama ko kay Peter, alam ko sa sarili kong hindi puwedeng patagalin ko 'yong pag-iwas ko sa kaniya, siya ang namumuno sa banda namin at kailangan kong makisama. Ayaw ko rin masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pag-amin niya. Ipapaubaya ko na lang sa panahon ang mangyayari sa aming dalawa.

-

"Bakit nga hindi ka umuwi kagabi?" tanong sa akin ni Elmo, nakaupo siya sa kahoy na upuan, pinapanood ako. Nandito siya sa bahay, chineckeck lang daw niya ako kung nandito na ako, utos daw ni Lola Racel.

"Ganito kasi, na-stranded ako doon sa tambayan namin. Nag-practice kasi kami ng mga kabanda ko at saktong lumakas 'yong ulan no'ng pauwi na kami kaya nagpatila muna ako. Eh, umaga tumila kaya ayon, inumaga na rin ako ng uwi," paliwanag ko nang hindi natingin dahil ako'y abalang nagluluto ng pananghalian.

Inabot ako ng alas-dose sa pagtulog at balak kong pagkatapos kong kumain, maglalaba naman ako. Wala naman kasi akong aasahan dito sa bahay, kun'di ang sarili ko lamang. Wala si Mama na tinutulungan akong maglaba kaya doble sipag ang kailangan kong ipairal, lalo na sa gawaing bahay.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang patango niya. "Sayang," aniya. Tumayo siya at naglibot. "Masarap pa man din 'yong ulam kagabi." Nangkokonsesniya ba sa siya?

"Ano naman?"

"Hulaan mo."

Napairap ako. "Tsinelas."

"Grabe naman 'to. Sinigang!"

Napatingin ako agad sa kaniya nang diretso. Saglit kong itinigil ang ginagawa. "Tunay? Alam mo bang gusto kong matutunan lutuin iyan?!" Bahagyang may pananabik sa aking boses. Nagliwanag ang buong mukha ko habang mahipit ang hawak sa tyanse. "Saka 'yong menudo, paksiw, adobo, sisig, kare-kare, bulalo, dinuguan, laing at marami pang ibang gustong-gusto ko talagang matutunang lutuin." Sinasabay ko pa sa pagbilang sa daliri habang binabanggit iyon mga 'yon. "Tamang-tama, magpapaturo talaga ako kay Lola Racel kapag may time ako." Muli kong ibinaling ang atensyon sa pagpiprito ko ng itlog.

Humakbang siya palapit sa akin. "Bakit hindi na lang sa akin?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Na?"

"Magpaturo."

Binago ko ang ekspresyon ng mukha ko, hindi naniniwala. "Marunong ka?"

Umawang ang bibig niya. Diniinan niya ang tingin niya sa akin at nagulat ako nang mas lalo siyang lumapit, ilang dipa na lang ang agwat namin. Hinawi niya pataas ang buhok niya bago magsalita, "Ipapaalala ko lang sa 'yo, apo ni Lola Racel 'tong nasa harapan mo, Erin." Buong-buo ang boses niya. Hindi siya kumurap nang sabihin niya 'yan at nakaturo pa sa sarili niya, parang itinatatak niya sa utak ko na si Lola Racel ang Lola niya. Titig na titig siya sa akin. "Mana-mana lang 'yan! Basic lang 'yan mga gusto mong matutunang putahe. Yakang-yaka ko 'yon mga 'yon." Pinagpagan niya pa ang kaniyang balikat. Nakahinga ako nang maluwag nang medyo lumayo na siya. Napakayabang ng dating niya pero alam kong biro lang 'yon.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon