6. Walang Takas

381 16 0
                                    

Chapter 6: Walang Takas

Erin

Saka lang ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko nang sinundan ko siya sa second floor, sinilip kung saan siya lumabas. Pagkatingin ko, nakita ko na lang na naiwang bukas ang bintana at mahinang hinahangin ang kurtina, ito ang bakas na doon siya dumaan. Agad akong nagtungo roon para sumilip sa labas pero bigo akong hindi ko na siya natagpuan pa. Mukhang nasa malayo na ito agad. Sa tabing bintana, napagtanto kong may malaking puno pala rito na wari ko'y ito ang ginamit niya upang akyatan. Ang bintana kasi ay nakaharap sa likuran ng bahay.

Nagkaroon ng buhay ang mga kamay ko nang walang pag-aatubiling ni-lock ko ang bintana at dali-daling bumaba para i-lock din ang isa pang bintana roon. Nababalisa ako. Sarili ko mismo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Aaminin ko, gusto ko siyang bumalik at kahit panatag na ang loob ko sa kaniya, may parte pa rin sa akin na hindi ko pa rin maiwasang matakot at mangamba. Lalo na't hindi ko siya kilala. Ayaw kong magtiwala kani-kanino dahil mag-isa lang ako rito. Wala ang mga magulang ko upang bantayan ako. Mas mainam na ang mag-ingat at makasigurado.

Pagkatapos, binuksan ko ang flashlight ng phone ko para gawing ilaw at hanapin ang posporong itinapon niya sa kung saan man. Pinawis at ilang minuto ko rin 'yon hinanap sa buong sala pero nandoon lang pala sa tabi ref, agad kong sinindihan ang kandila para mapawi ang kadilimin at pinilit tapusin ang kailangang tapusin kahit si Mando na ang umaakupa ng utak ko.

Dahil sa sobrang tahimik ng paligid, pakiramdaman ko tuloy parang naririnig ko pa rin ang boses niya. Parang nasa iisang silid pa rin kami. Hindi ko man siya nakita, tumatakbo pa rin siya sa isip ko. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Hindi kapani-paniwala ang mga nilarawan niya sa sarili niya. Sabi niya, bawal siyang makita ng sinuman dahil kapag nangyari iyon ay maglalaho siya pero wala namang ganoon sa mundo. Paano kaya kung nagpapanggap lang pala siya na bawal siyang makita? Kung ganoon, bakit naman siya magpapanggap? Gusto niya lang ba ako makasama? Ang babaw naman no'n. Nalilito ako. Kinokontra ko rin ang sarili ko dahil sa tanong na paano kung totoo pala talaga iyon? Paano kung posible pala iyon?

Napailing-iling ako. Hindi ko dapat siya inisiip. Gusto ko na lang umuwi. Hindi ako matatahimik dito. Kung ano-ano na ang nangyayari sa bahay na 'to dahil sa tagal nang walang naninirahan. May kung ano-ano nang espiritu ang tumira.

"Hindi ako makapag-concentrate," sambit ko na lamang at napasapo ng noo. Tumayo ako upang gumawa ng kape para kahit papaano ay mabuhayan ang dugo ko.

Pagkagising ko ng umaga, natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatulog sa ibabaw ng lamesa. Maliwanag na ang paligid. Tapos na rin akong gumawa ng project ngunit hindi na nga lang nakayanan ng katawan ko para makarating sa kuwarto dahil antok na antok na talaga ako. Tinatamad na akong maglakad at hindi ko na napigilang pumikit.

Pinilit kong tapusin ang mga ginagawa ko kahit dinadalaw na ako ng antok at iba ang sumasakop sa utak ko. Kahit noong paggising ko, siya pa rin ang unang naalala ko. Hindi na siya nawala-wala. Hinuhugot niya ang buong katinuan ko. Tumayo na lang ako at naghanda na para pumasok dahil malapit na palang mag-nine nang tumingin ako sa lockscreen ng phone ko.

"Erin! Yohoo! Nandito na ako!" May kumatok sa pintuan. Si Elmo na yata iyan, napag-usapan nga pala naming sabay kaming papasok sa school. Muntik ko nang makalimutan dahil kay Mando.

"Hala. Saglit lang!" Dinoble ko ang bilis ng kilos ko. Mabilis akong nagsuklay, isinakbit ko na ang pulang bag sa balikat at binitbit ang mga project ko. Hindi ako sigurado sa mga huling project na tinapos ko sapagkat hindi na ako nakapag-pokus pa roon dahil nawala na ako sa sarili. Basta, ang mahalaga sa akin ngayon ay may gawa ako at may maipapasa. Sana manlang may maganda itong maidadala. Ayaw ko ring ma-delay.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon