41. Kompetisyon

256 8 0
                                    

Chapter 41: Kompetisyon

Erin

Ngayon araw na ang kompetisyon.

Maaga akong gumising dahil mahalagang bago magtanghalian ay makarating agad kami sa venue para sa pagsasagawa ng rehearsal.

Mababaw ang naging tulog ko, natagalan buhat noong binisita ako ng antok. Gabi pa lang, samut-saring emosyon na ang nagpatong-patong sa dibdib ko. Nandoon ang kaba, kasabikan at takot. Nagkakagulo sila at ayaw rin matigil sa pag-imagine ang utak ko sa kung ano ang magaganap, lalo na't iniisip ko pa lang magwawagi kami, kinikilig na ako sa ideyang 'yon. Magkasama pa rin kami ni Mando ng mga oras na iyon, paulit-ulit niya ako kinakatahan gamit ang malamig niyang boses hanggang mapawi nang bahagya ang kabang nakakabit sa akin upang matiwasay akong makatulog.

Ayaw kong matulog no'n. Bakit pa? Kung ganoon pala ang gagawin niya, parang gugustuhin kong pakinggan na lang siya buong nagdamag kaso bawal, kailangan kong mag-ipon ng lakas.

Sumulyap muna ako sa labas ng bintana, madilim pa rin at napakatahimik. Tama lang ang gising ko kahit naunahan ko ang aking alarm clock.

Pagkatapos kong mag-unat ng mga braso at humikab, chineck ko muna 'yong phone ko. Nakatanggap pala ako ng text mula kina Vern at Timothy. Nakasulat na matulog na raw ako, ngayon ko lang ito nabasa. Marahil ay tulog na talaga ako nang kanila iyong sinend sa akin o 'di kaya'y hindi ko na ginagalaw phone ko. Hindi na ako nag-reply.

Papatayin ko na sana phone ko nang saktong nag-text sa akin si Peter.

Peter:
Morning. Gumising na kayo!

Ibig sabihin, hindi para sa akin lang 'yang message na iyan, nag-message rin siya sa buong banda. Nag-reply na lang ako ng gising na rin ako.

Sandali akong natulala sa kisame at bumuntong-hininga.

Itinaas ko ang gilid ng mga labi ko. "Ito na 'yon, Erin. Galingan mo, ha," kausap ko sa sarili.

Isinuot ko ang aking tsinelas nang pagkabangon ko. Kailangan ko na maghanda ng almusal at gumayak. Kagaya ng nakagawian, sa studio ulit ang hintayan namin.

Napahinto ako sa gitna ng hagdan nang mariing ipinagtaka kong makitang bukas ang ilaw sa kusina. Natulog ako kagabi nang sinigurado kong wala akong iniwang bukas na ilaw sa buong bahay dahil sa hilig galawin ni Mando ang circuit breaker.

Sa isang sulok ng utak ko, baka nandito si Mando. Inisip ko rin na baka pagkabukas niya ng breaker ay sad'yang nakabukas din ang ilaw roon. Pinakiramdaman ko muna ang paligid kung may tao bago magpatuloy sa pagbaba.

Dalawang baitang na lang ng hagdan ang aapakan ko, saka ako napakunot ng noo at nawala nang tuluyan ang pagkakakabit ng antok sa 'kin nang makakita ako ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. Sinangag na may kasamang dalawang pares ng pritong hotdog at itlog, meron din ketchup. Pantay ding nakahanda sa gilid ng plato ang kutsara't tinidor. Katabi nito ang isang tumbler na nasigurado kong tubig ang nasa loob dahil sa pagiging transparent nito. Nandoon din ang maliit na tasa ng kape. Lumitaw ang isang ngiti sa labi ko.

Na-miss ko ang ganitong senaryo. Ilang buwan na nang hindi ko na nararanasan ipaghanda ng pagkain ni Mama tuwing umaga. Madalas ay tuwing tanghali ng sabado o linggo siya nadalaw dito sa bahay upang ipagluto ako ng ulam kaya tuwing papasok ako ng school, palaging ready-to-cook na nasa ref ang kinakain ko.

Makaagaw-pansin naman ang papel na nakadikit mula sa tumbler. Lumapit ako para mabasa iyon nang malinaw.

Pansin ko rin ang upuan, hindi ko na kailangan hilain ito, hinili na ito ni Mando para sa akin. Sa simpleng ginawa niyang ito, sobrang natuwa puso ko. Tanging uupo na lang ako at kakain.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon