43. Bilib

244 7 0
                                    

Chapter 43: Bilib

Erin

Nalulunod ang banda namin sa sobrang init na suporta ng mga tao. Mabilis binago ng gabing 'yon ang lahat. Masasabi kong biglang naging malayo ang narating namin. Para kaming namumuhay sa kung ano ang laman ng nasa imahinasyon namin noong mga panahong sasali pa lang kami ng kompetisyon.

Isa na lang din sa hindi ako sanay na makita ay kumpara noon, bilang lang sa daliri ang mga kumukuha sa amin para maging peformer pero ngayon, laking pasasalamat ko na kaliwa't kanan ang natatanggap namin sa aming email kung puwede raw ba kami tumugtog sa ganitong araw kaya abala si Peter sa pag-aayos ng mga schedule. May mga nag-aalok din kung puwede ba kaming maging regular performer sa kanilang restaurant at bar. Ang iba ay mga bigatin at kilalang kainin pa. Nilalakad na rin ang aming mga magiging project sa recording company na kapipirma pa lang namin ng kontrata. Napapangiti na lamang ako sa mga nangyayari. Ang sarap sa dibdib. Unang araw pa lang ay pakiramdam ko ay ang ingay ng pangalan ng banda namin.

Dagsaan din ang mga taong gustong sumubaybay sa amin dahil sa bawat segundong dumadaan, katumbas ang isang taong nag-fo-follow sa page namin. Mabilis din nagtaasan ang manonood ng music video at lyric video ng 'Paraiso'. Hindi ako nagsasawang mag-reply sa mga comment ng mga tao tungkol doon at ipinapaalang tulungan ang Paraiso de Kaunis.

Lumawak ang ngiti ko. "Ayan! Perfect!" nasabi ko nang sa wakas ay naipuwesto ni Peter nang maayos ang mabigat na trophy sa pinagawang pagdi-display-an nito, dito sa loob ng studio, sa may kaliwang bahagi ng sala. Gawa ito sa matibay na kahoy at salamin ang nagmimistulang bukasan. Espesyal ito kaya dapat, espesyal din ang pagpupuwestuhan.

Nagpalakpakan ang tatlo sa likuran.

Pinagmasdan ko pa ito at nasambit ang hindi ko na mabilang salitang paulit-ulit lumalabas sa aking bibig. "Ang ganda niya."

Kasunod, nahagip ng paningin ko ang iba pang maliliit na trophy na nakahilera sa tabihan nito. Ang mga 'yon ay simpleng nakapatong na lang sa kahoy at wala nang salamin. Mga trophy na kung saan ay napanalunan nila noong buhay pa si Percy. Kompetisyong madalas sinasalihan nila sa school at mga event sa ibang lugar na may kinalaman sa musika. Lagpas sampu ang mga ito. Sa madaling salita, hindi pa ako kabilang sa bandang ito noon.

"Madadagdagan pa ito," ani Peter, nakahalukipkip at diretso ang tingin sa trophy. Buhay na buhay ang pagiging positibo niya base sa kung paano kumikinang ang kaniyang mga mata at pagngiti.

"Siyempre naman! Gagawa pa tayong madaming kanta, 'pre!" hiyaw ni Timothy.

"Sabi ko naman sa 'yo, Paraiso de Kaunis ang makakapagpaangat sa atin," mahinang sabi ko kay Peter. Sandaling pinasahan niya ako ng tingin, hindi binibitawan ang kaniyang ekspresyon pero hindi ako nakatanggap ng tugon.

"Tama na 'yan," sambit ni Vern. "Pupunta pa tayong recording company, baka ma-late pa tayo. Nakakahiya, unang araw pa man din."

"Oo nga," wika ko at bumalik sa loob ng recording room upang mag-ayos ng iba pang gamit. May mga ilan kaming kailangang dalhin. Napalingon ako bigla kay Jeric. Kami lang ang nandito at tinutulungan niya ako. Akin siyang tinawag. "Jeric."

Agad kong nakuha ang atensyon niya. "Bakit?"

"Natuwa ba asawa mo sa pagkapanalo natin?"

Naging dahilan 'yon ng unti-unti niyang pagngiti. Doon pa lang, sapat na 'yon na maging isang sagot. "Wait lang. Nahihiya pa ako." Pinanood ko siyang dinampot ang kaniyang phone mula sa maliit na lamesa. May pinindot siya rito bago ito iniharap sa akin. Isang bidyo. Mukhang ako pa lang ang unang makakanood no'n. "Panoorin mo."

Inabot niya ito sa akin. Sandali ko munang itinigil ang ginagawa at naupo pero siya ay nagpatuloy.

"Mahal ko." Napangiti ako nang tawagin ni Jeric ang kaniyang asawa. "Sweet naman," tukso ko sa kaniya na ikinatawa niya lang. Ibinalik ko ang paningin ko sa pinapanood, binuksan niya ang pintuan ng kuwarto nila, nadatnan niyang tulog ang mag-ina. "Mahal," tawag niya pa ulit at pinindot ang switch ng ilaw.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon