27. Kusina

320 16 2
                                    

Chapter 27: Kusina

Erin

Ngayong araw ay tuturuan na ako ni Elmo kung paano magluto ng iba pang klaseng putahe. Akala ko nga noong una ay hindi ito matutuloy dahil hindi na kami madalas nagkikita at nagkakausap. Saka, ang tagal na rin namin 'tong pinagpaplanuhan at inakala kong nagbibiro siya sa akin no'ng sinabihan niya akong tuturuan. Hindi na rin kasi ako masyadong pumupunta sa bahay nila para doon kumain. Minsan sa school at nagluluto na lang ako ng sarili ko. Nakakahiya na rin kasi. Nagulat na lang ako na kaninang umaga, pumunta siya sa bahay para yayain akong turuan ako. Hindi na ako nakatanggi pa dahil bilang pagbawi ko na rin ito sa kaniya, wala rin naman akong lakad ngayon.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila, si Lola Racel agad ang sumalubong sa akin habang nakangiti ito nang maluwag. Mukhang nasabihan siya ni Elmo na tuturuan ako nitong magluto dahil halatang inaasahan niya ang pagdating ko.

"Good evening po," magalang kong bati gamit ang malambing na tono ng boses.

"Good evening din, hija. Ang tagal mo rin hindi pumunta rito." Umisod ito sa tabi ng pinto para senyasan akong pumasok.

"Medyo busy lang po," tanging sagot ko bago tumuloy. "Si Elmo po?" Agad kong inikot ang paningin ko para hanapin ang kailangan ko.

"Nandoon na sa kusina, naghahanda na," tugon niya at tumango ako. "Siguro naman, dito ka na maghahapunan ngayong gabi?"

Ngumiti ako. "Puwede naman po."

"Elmo, nandito na si Erin!" sigaw ni Lola Racel.

"Punta ka na rito!"

"Sige na, mag-enjoy kayo. Marami kang matutunan diyan kay Elmo sa pagluluto. Manang-mana iyan sa Papa niya kaso tamad nga lang. Pero ewan ko ba kung anong sumanib diyan ngayon at parang excited yata."

Nagpaiwan siya sa sala habang nanood ng TV. Dumaretso na ako sa kusina. Unang bumungad sa akin ang mga rekado sa lamesa, bagay na ikinagulat ko.

"Kaya pala ayaw mo akong bumili ng mga rekado kasi ikaw na ang bumili? Anong ambag ko? Nakakahiya," pag-agaw ko sa pansin niya. Nakatalikod kasi ito at abalang naghuhugas ng mga gulay.

Humarap siya sa akin at agad rumehistro sa labi niya ang isang ngiti. Ngayon ko lang napansin na nakasuot ito ng apron.

"Anong ambag mo? Nandiyan ka lang, okay na iyon."

"Talaga lang, ha?"

"Suotin mo 'yong apron na nakasabit diyan." Sinundan ko 'yong itinuturo niya. Sinunod ko ang sinabi niya at isinuot ang apron. Muli siyang nagpatuloy sa paghuhugas ng mga gulay.

"Anong lulutuin natin?" tanong ko nang lumapit ako sa gawi niya.

"Ginataang lanka, pocherong manok at pinakbet," sagot niya nang hindi natingin sa akin.

"Saan tayo magsisimula?"

Hindi niya muna ako sinagot, bagkus ibinalik niya ang mga linis na gulay sa lamesa. Pagkatapos niyang gawin iyon, saka niya pinansin ang tanong ko. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang paghiwa ng mga rekado. Tinuruan niya rin ako kung paano magprepara ng mga ito.

"Huwag kang manginig," natatawa niyang puna sa akin.

"Nakatingin ka kasi, kinakabahan ako." Napangiwi ako.

"Sige, pipikit ako."

Bahagya akong natawa sa inakto niya. Pumikit ito habang nakaharap sa akin.

Ang sabi niya sa akin, gusto niya raw akong turuan ng recipe niya sa putaheng gagawin namin kaya hindi na namin kinailangan ang internet. Maayos akong naturuan ni Elmo. Kahit papaano, nasusundan ko siya at tama naman ang nagagawa ko. Para sa isang taong hindi naman nagluluto, masasabi kong iba ang makukuhang kasiyahan sa gawain na 'to at parang mapapalakas ang kain ko nito mamaya dahil kanina pa ako natatakam sa mga niluluto namin. Hindi ko maiwasang manglambot kapag naaamoy ko ang aroma ng mga pagkain, amoy pa lang, ang sarap na.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon