20. Ideya

296 17 1
                                    

Chapter 20: Ideya

Erin

Nang pagkauwi ko, pinagplanuhan kong balaking pang pumasok sa school. Ang sabi ko sa sarili ko, iidlip lang ako sandali upang mag-ipon ng lakas pero pagkamulat ng mga mata ko, hapon na. Hindi ko namalayan ang oras. Mabuti na lang, nasa lumang bahay ako. Kung nasa amin ako, natitiyak kong papasok akong mukhang sabog dahil hindi ako hahayaan ni Mama na matulog buong maghapon.

Bago matulog, na-itext ko na rin si Elmo para ipaalam na hindi muna ako makakasabay sa kaniya pagpasok at sa pagkain dahil mahuhuli ako. Pero ang naging resulta, hindi rin pala ako nakapasok.

4 PM na nang tingnan ko ang orasan sa itaas ng bintana. Pagkatapos, hindi muna ako bumangon dahil nakipagsalubong pa muna ng titig sa akin ang kisame. Naiwan na roon ang paningin ko. Mahaba akong bumuntong-hininga habang magkahawak sa isa't isa ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko, taimtim na iniisip ang mga nangyari kagabi.

Hindi pa rin iyon mawala-wala sa isipan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kahit naiproseso ko na sa utak ko ang mga nalaman ko. Totoo ang kapangyarihan. Totoo ang diwata. Totoo ang bagay na akala ko, imahinasyon lang. Hindi na iyon isang simpleng kathang isip para sa akin simula ngayon. Naniniwala na akong walang imposible sa mundo. Pero alam kong sandali ko lang iyon paniniwalaan kasi pagkatapos ng misyon ni Mando, 'yon ang magiging hangganan. Tulad ng sabi niya, lahat ng ginagawa namin, magiging isang panaginip na lang. Ngunit umaasa akong hindi ko siya makalilimutan.

Bagaman ganoon, hindi ko rin mailarawan ang mga araw na dadaan habang isinasagawa ko ang pagtulong ko kay Mando. Hindi ko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng misyon niyang iyon. Pinaghalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ko. Idagdag na rin sa pagkasabik na umaasa akong masilayan manlang ang diwata. Nais kong makita ang kagandahan niyang taglay. Ganoon pa man, hindi ako magsasawang manalanging sana may magawa manlang ako. Ito ang unang pagkakataong pumasok at nadamay ako sa ganitong klaseng bagay.

Bumangon ako nang nakaramdam ako ng gutom. Pero lalapat pa lamang ang mga paa ko sa sahig, inagaw agad ng phone ko ang atensiyon ko nang bigla itong gumawa ng ingay sa buong silid.

Tumatawag si Peter.

Agad ko itong sinagot kahit wala pa ako sa huwisyo.

"Hello?" inaantok kong bungad. Hilot-hilot ko ang noo ko. Medyo tumitibok, kumikirot. Napagtanto kong hindi rin magandang matulog nang ganoon katagal kapag may araw, hindi tamang oras iyon para magpahinga. Siguro unang beses ko lang nagawang matulong buong maghapon at nanibago ang katawan ko.

"Good afternoon, Erin!" bati niya, sobrang sigla. Ang layo sa boses kong walang kagana-gana.

"Good afternoon din."

"Ba't ang tamlay ng boses mo? May sakit ka ba? Puntahan kita? Anong gusto mo?" Hindi ko akalaing nasa boses niya agad ang pag-aalala. Hindi na naman niya kailangang punain pa ang boses ko.

Ito talagang si Peter. Ganito talaga siya simula noon pero noon, may meaning na pala kung bakit ganito siya sa akin na hindi ko nahahalata at hindi ko napapansin.

Napasinghap ako at napailing. "Hindi. Okay lang ako. Kagigising ko lang."

"Ah. Sayang."

Naisin ko man kuwestunin siya sa salitang sinabi niya pero alam ko na ang magiging sagot kaya hinayaan ko na lang. Hindi 'yon mahalaga. Gusto niya akong puntahan at masolo. "Bakit ka napatawag? Ano'ng kailangan mo?" pag-iiba ko.

Ayaw ko nang pahabain pa 'tong walang saysay naming kumbersasyon dahil mas mayroong saysay ang imbakan ko ng pagkain, kumakalam na talaga ang sikmura ko ngayon. Tiis na tiis na ako. Kagabi pa ang huli kong kain at hapon na ngayon.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon