26. Sa Likod ng Pagbabanda

333 16 0
                                    

Chapter 26: Sa Likod ng Pagbabanda

Erin

Aaminin ko, simula ng gabing iyon, palagi nang nakukumpleto ang mga araw ko dahil wala nang nililigtangan na gabi si Mando sa pagpunta ng bahay. Habang tumatagal, hindi namin namalalayan na nagiging mas komportable kami sa isa't isa. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong level. Hindi ko rin alam kung paano ko nakuha ang loob niya dahil inisip kong imposible kaming magkasundo, base sa una naming pagtatagpo.

Nasanay na akong madilim ang buong paligid at hindi siya nakikita. Wala na 'yong mga pagkakataon na nagbabangayan kami, na mamimilosopo siya at babarahin ako. Tanging napupuno ang bahay ko ng tawanan naming dalawa tuwing hating gabi. Tila, nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Sa isang iglap, nakikita kong masaya ako kapag kasama siya at kausap siya. Hindi na mabura-bura ang ngiti ko. Ibang-iba ang ugnayan namin ngayon kaysa noon kahit hindi ko alam kung kailan kami nagsimulang maging ganito. Ang alam ko lang, umaga lang ang nakapaghihiwalay sa amin. Pero hindi pa rin nawawala ang pagkailang ko kapag dumidikit siya sa akin, may kung anong kuryente akong nararamdaman, bagay na hindi ko maintindihan.

Isa pa sa aaminin ko, isa siya sa nagbigay ng ligaya sa akin no'ng panahong nalungkot ako dahil nailipat ako sa bahay na 'to nang mag-isa. Mabuti na lang, nabigyan ako ng pagkakataon para makilala siya. Kung wala siya, siguradong boring na boring ako ngayon dito at baka kung ano pang klaseng emosyon ang makuha ko.

Si Mando ang nagligtas sa akin mula sa lumalalim kong kalungkutan. Hindi ko inakalang siya ang mag-aahon sa akin at naging kasagutan.

Pagpatak ng alas-dose, sinisigurado kong tapos na lahat ng gawain ko. Nakasanayan ko nang patayin ang mga ilaw at nagkukusang isarado nang maigi ang mga bintana. Hindi ko na siya sa bintana pinapapasok, sabi ko sa kaniya, sa mismong pintuan na para hindi na siya mahirapan.

Sa mga gabing pagsasama namin, pinagpaplanuhan na rin namin kung ano ang unang hakbang na gagawin kung paano namin mahahanap ang puso ng gubat pero hanggang ngayon, wala kaming maisip dahil wala naman kaming ideya kung sino ang kumuha nito at kung nasaan ito ngayon. Siguradong mahihirapan kami sa bagay na 'to.

Maliban diyan, hindi kami nauubos-ubusan ng pagkukuwentuhan. Nalaman na niya 'yong tungkol sa kung bakit mag-isa lang akong naninirahan sa bahay, tungkol sa pag-aaral ko at marami pang ibang bagay na tungkol sa akin. Sinubukan ko na rin magtanong tungkol sa kaniya, hindi siya nagdadalawang isip magkuwento ngunit ramdam kong marami siyang iniiwasang banggitin at palaging kulang ang impormasyon na ibinibigay. Iniintindi ko na lang. Pero sana, mas makilala ko pa siya bilang siya, 'yong sa totoong buhay, 'yong walang humahadlang. Minsan ko na rin iniisip kung sino kaya siya bilang ordinaryong nilalang. Naging mas interesado ako sa kaniya.

Wala pa rin paramdam si Peter buhat no'ng nag-text siya pero palagi akong nakatingin sa kalendaryo para alamin kung gaano na kalapit ang araw, sa pag-announce ng mga kwalipikado sa competition na sinalihan namin. Kinakabahan man pero mas nananaig ang tiwala kong matatanggap kami, kahit hindi ko alam kung ipagpapatuloy pa ba namin ang pagsali. Mabuti na lang pumayag si Papa na bigyan ako ng allowance, kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala kaming raket. Hindi ko rin alam kung nasaan na ang mga kasamahan ko. Madalas din akong bisitahin ni Mama sa bahay.

"Ano 'yan?" natatawang tanong ko kay Mando.

"Kabayo." Nakahiga ako ngayon sa kama, nakatagilid; nakatalikod sa kaniya. Ganito 'yong puwesto na nakita niya akong malungkot noon. Muli siyang nagpapakitang-gilas sa akin. Gamit ang anino ng mga kamay niya at ilaw na tumatama sa pader, nagpapakita ulit siya ng iba't ibang imahe. Sabi niya kasi sa akin, marami na raw siyang natutunan.

"Parang hindi."

"Ayaw ko na nga." Pabagsak 'tong naupo sa kama at itinigil ang ginagawa. Mga isang oras na rin niya ako inililibang pero palagi kong siyang niloloko dahil natatawa ako sa nagiging reaksyon niya. Para siyang bata. Pinanood ko ang anino ng mukha niya na nakatalikod at nakayuko. Kitang-kita ko ang build ng katawan niya.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon