25. Ipinarinig

301 19 7
                                    

Chapter 25: Ipinarinig

Erin

Mariin akong pumikit.

Unti-unti na siyang lumayo sa akin at tuluyang naupo sa kahoy na sofa. Ako naman, hindi pa rin makagalaw, nablanko ako. Malamig din akong pinagpapawisan. Hindi na namin ipinagpatuloy ang naudlot na pagsasayaw.

"So, kumusta?" panimula niya. Bumalik ako sa reyalidad. Doon ako napaayos ng upo. Bahagya ko pang sinuklayan ang buhok ko gamit ang mga daliri.

Nakalayo na siya sa akin pero pakiramdam ko, nakadikit pa rin ang katawan niya sa akin. Parang binalot ng init niya ang buong katawan ko. Namumula pa rin ang mga pisngi ko. Pero ang ipinagtataka ko, naaninag ko siya nang kaunti. Bakit walang nangyaring kahit ano sa paligid? Tulad ng iniingat-ingatan niyang bagay na kapag may nakakita sa kaniya, maglalaho siya. Naisin ko man itanong ang tungkol sa bagay na iyon pero hinayaan ko na lang.

"Okay naman. Ikaw? Bakit ang tagal mong nawala?" Sinubukan kong hindi magtunog na naiilang. Chance ko na ito para malaman ang hindi niya pagsipot nang matagal.

Magaan itong tumawa na ipinagtaka ko pero pagkatapos, huminga siya nang malalim. "Inakala ko kasi na nakalimutan mo 'yong napag-usapan natin." Hindi ko masabi kung anong kalakip na tunog sa kaniyang boses. Kumunot bigla ang noo ko. "Kapag pumupunta ako tuwing gabi rito, kasama mo 'yong Peter kaya sabi ko, baka hindi na ako tutulungan nito, may ibang tinutulungan, eh."

Napaawang ako bibig. "Hindi ko nakalimutan."

Nagulat ako. Dahil lang kay Peter, hindi na niya ako sinipot nang halos isang buwan?

"Sabing akala ko nga. Abala kasi kayo pareho."

"Kung alam mo lang, hinihintay kita gabi-gabi. Halos mag-alala nga ako sa 'yo. Lagi akong nasa bintana, nakadungaw kasi nagbabaka sakali akong babalik ka. Hindi ako makampante."

"Talaga?" may ngisi niyang tugon.

"Oo. Ewan. Hindi ako sanay na hindi ka nagpaparamdam."

"E di, kailangan ko palang mag-sorry?" Wari ko'y nakangiti siya ngayon. Ramdam kong umayos siya ng upo, parang humarap siya sa akin. "Kasi pinag-alala kita?" halos pabulong niyang sambit pero ngayon, mababakas ang nahahalong sensiradad dito at parang hindi siya makapaniwala.

Napahawak ako sa batok. "Ang dami mong alam." Mabuti na lang madilim, hindi niya nakikita ang nakalatag na ekspresyon sa mukha ko. Naiilang ako.

"E di, sorry," pagtutuloy niya, hinabaan niya pa ang pagbanggit ng sorry. "Ang suwerte ko sa 'yo," mahina niyang sambit, 'yong parang ayaw niyang iparinig pero malinaw pa rin itong pumasok sa mga tainga ko. Nag-init ang mga pisngi ko, hindi ko malaman kung bakit.

"Inakala ko nga rin na naghanap ka na ng ibang tutulong sa iyo kasi baka na-realize mong wala akong maitutulong."

Bahagya siyang umisod, hanggang sa sadyain niyang magtama ang mga braso namin. "Imposible iyon, Rawr. Ikaw lang kaya ang bukod-tanging naniniwala sa akin."

"Ha?"

"Bago kita nakilala, marami na akong nilapitan pero ayaw nilang maniwala sa kwento ko. Kaya nga, abot-langit ang saya ko no'ng pumayag kang tulungan ako. Kaya imposible 'yong iniisip mo. Humanap lang talaga ako ng tiyempo na bumalik dito, 'yong wala si Peter." Akala ko, tapos na siyang magsalita pero nagbitaw siya ng salitang hindi nagpakakomportable sa akin. "'Yong puwede kitang ma-solo. 'Yong tayong dalawa lang."

Napasinghap ako. Pakiramdam ko, iba siya ngayon. Bawat salitang nasasabi niya, nagdo-doble meaning sa akin. O baka, sarili ko ang may mali? "Sa susunod, dapat hintayin mo muna siyang makaalis bago ka pumasok dito, inaabangan naman kita, eh. Hindi 'yong hindi ka tutuloy," suwetsyon ko.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon