10. Naunahan

334 21 4
                                    

Chapter 10: Naunahan

Erin

Pasimpleng ninanakawan ko ng tingin si Peter dahil panay sablay ang pagtipa niya ng gitara. Nagkakatinginan na kami ng mga kagrupo ko, tila napapansin din nilang parang ang daming tumatakbo sa utak ngayon ni Peter. Hindi siya ganyan. Kapag tumutugtog siya, seryoso at sinisiguradong hindi magkakamali. Kapag magkakamali man siya, mapapamura siya nang malutong, hindi katulad ngayon na pinapalampas niya lang maling paggalaw ng daliri niya. Nagtatanong ang mga mata ng kagrupo ko sa akin kung ano raw ang problema ni Peter ngunit tanging kibit-balikat lang ang naisasagot ko. Hindi ko rin naman alam.

Nang napagdedisyunan naming magpahinga muna, agad kong nilapitan si Peter habang pinupunasan nito ang gitara niya. Gusto ko siyang makausap dahil naapektuhan ng pagiging walang interesado niya ang pagpapraktis namin. Hindi niya namalayan ang pagdating ko. "Late ka na ngang dumating, parang wala ka pa sa sariling tumugtog, puyat ka ba?" diretsong tanong ko.

Saka lang niya inangat ang tingin niya sa akin. Nakataas ang makapal niyang kilay. Naghintay ako ng isasagot niya pero malalim na titig lang ang natanggap ko. Kakaiba pa man din tumitig itong si Peter dahil sa hugis ng mga mata niya, bagsak ang mga ito na para bang nanghuhugot.

Napakunot ako ng noo. "Ano? Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" mataray kong usal. Nilalabanan ang titig niya kahit naiilang na ako.

Gumuhit ang mapang-asar niyang ngiti. Maganda siyang ngumiti ngunit himala na lamang ng langit kapag palagi siyang makikitang ginagawa iyon. "Wew, makapagsalita ka. Dalawang araw ka ngang wala sa practice natin, eh." Sinuklayan niya buhok niya gamit ang mga daliri niya, may kahabaan ang kaniyang buhok pero sa bawat dulo ng hibla nito ay may kaunting pagkakulot, kadalasanan ay natatakpan na ang mga nata niya. May highlight din ang kulay nito na hindi ako sigurado sa tawag pero kapamilya ng orange. Dagdag na meron din siyang bigote na hindi naman kakapalan. Hindi kagaya kay Elmo, may hubog ang katawan nito at mas matangkad ito kaysa sa kaniya. Mas magaling din itong pumorma at magdala ng suot pero ngayon, hindi siya nakaporma, wala siyang dating.

Napahalukipkip ako. "Priorities nga kasi muna."

"E di, hindi pala ako parte ng priorities mo?" Pareho kaming natigilan. Kita sa mukha niyang hindi niya sinasadyang sabihin 'yon. Magsasalita na sana ako ngunit mabilis niyang binawi ang sinabi niya. "Ibig kong sabihin, gawin mo rin dapat priority 'tong pagbabanda natin." Napaiwas siya ng tingin pero nakita ko ang pagpatak ng pawis niya sa noo na agad naman niyang pinunasan gamit ang likod ng palad niya.

Napatango ako ng ulo. Kinuha ko 'yong upuan ni Jeric - drummer namin para tumabi kay Peter.

"Ibang upasan na kasi kapag pag-aaral. Priority ko naman ang pagbabanda pero dapat gawin ko raw top priority ang pag-aaral ko, sabi ni Papa. Ewan. Teka nga, ba't ba sa akin mo inililihis ang usapan na 'to?" reklamo ko. "Ano nga kasing problema? Share mo naman sa akin. Ngayon na nga lang ako nakapunta rito, ganyan ka pa."

"Wala naman," mabilis niyang sagot at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng gitara.

Hindi ako kumbinsido. "Itinatanggi mo pa, halatang-halata namang meron." Napairap ako sa ere.

"Ano bang gagawin mo kapag sinabi ko sa 'yo?"

Napangisi ako. "'Yon naman pala! Parang inamin mo rin na meron. Ano nga?" pangungulit ko. Nangangati na akong malaman kung ano 'yon. Halos mapapadyak na ako para mapilit lang siya.

"Sige na nga. Oo na," pagsuko niya. Napaayos ako ng upo at ganoon din siya. Inihanda ko ang tainga ko para makinig. Isinandal niya sa isantabi 'yong gitara niya, bumuntong-hininga muna siya bago sabihin sa akin ang mga salitang hinihingi ko. Taimtim ko siyang pinagmasdan. Nakatitig lang siya sa harapan niya. "Sa palagay mo, buhay pa si Percy?"

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon