4. Sira Ako

359 20 0
                                    

Chapter 4: Sira Ako

Erin

Napanting ang tainga ko dahil sa tanong na narinig ko. Hanggang ngayon, parang wala pa rin siyang balak bitawan ang balikat ko kaya pakiramdaman ko, bawal akong gumawa ng kahit maliit ng galaw dahil kapag kumilos ako, may gagawin siyang masama sa akin. Nakatindig pa rin ako nang tuwid habang mahigpit ang hawak sa kandilang dapat sisindihan ko. Mas nagpapabuhay pa sa kaba ko ang madilim at tahimik na paligid. Nakapagbibigay rin sa pagitan namin iyon ng tensiyon. 

Ramdam ko ang pagtagas ng malagkit na pawis ko sa noo. Paano ba nakapasok 'tong nilalang na 'to sa bahay ko? Hindi ko manlang naramdaman.

Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. Unang araw ko pa lang dito pero mapapahamak na agad ako? Naalala ko si Elmo, nagsisisi akong tinanggihan ang alok niyang samahan ako ngayon.

Napaurong ako nang bahagya. "A-Anong sabi mo?" Malinaw na narinig ko ang tanong niya ngunit hindi ko magawang maintindihan kung ano ang nais niyang iparating doon.

Rinig ko siyang umismid at sunod, sa wakas, binitawan niya na ako. Nakahinga na ako nang maluwag ngunit nanatili ang kaba at panginginig dala ng takot. Hangga't hindi pa siya umaalis, hindi ako makakampanteng nasa maayos akong sitwasyon. "Tayong dalawa lang ang nandito, hindi mo pa narinig iyon?" malamig niyang sabi. Ang angas ng boses niya. Hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya sa akin.

Tama ang hinala kong hindi na ito si Elmo. Paano ito nakapasok sa bahay ko nang walang permiso?

"Sinisigurado ko lang kung tama ba 'yong narinig ko," natatakot kong sagot. Nanglalambot ang mga tuhod ko. Umaasa akong hallucination lang ito.

Napabuntong-hininga siya. "Ako si Mando. Puwede mo ba akong tulungan?" Ngayon, may himig nang pagkumbisi ang boses niya. Hindi ko alam pero may tunog itong paawa. Nanatili akong nakatalikod pero ramdam ko ang mga mata niya sa akin.

"Saan?" Nanatili rin akong nakatayo kahit nabitawan na niya ako. Kinakabahan pa rin ako.

"Na mabuo ulit ako." Rinig kong umupo siya sa upuan na kahoy dahil sa pagtunog nito. Lumayo na siya sa akin. Katulad kanina, hindi ko manlang namalayan ang paglalakad niya.

Isang malalim na hininga ang ginawa ko upang ipunin ang lakas ng loob para harapin 'yong taong nasa loob ng bahay ko. Ngunit nadismaya lang ako dahil hindi ko manlang siya maaninag. Sa sobrang dilim ng paligid, para akong nakapikit at itim lang nakikita, nimaliit na sinag ng liwanag, wala akong matagpuan. Wala rin namang pumapasok na liwanag na buwan sa bintana dahil saktong walang buwan ngayon sa langit.

"Bakit? Sino ka ba?"

Natagalan siyang sumagot. "Mando nga ang pangalan ko," matigas niyang sagot. "Pangatlong beses ko na iyan binabanggit, baka magtanong ka pa ulit?" Bumalik ulit ang maangas niyang boses. Hindi naman kasi iyon ang sagot na nais kong makuha.

Napangiwi ako. Napasandal ako sa lamesa at hinawakan ang tagiliran nito. Hinayaan ko na lang kaysa naman mapuno ko pa siya, takot ko na lang kung ano pang gawin niya sa akin. "Anong kailangan mo? Bakit ka ba kasi nandito sa bahay ko? Bakit hindi ka manlang kumatok? Anong bang balak mong gawin sa akin? Please lang." Kahit ako mismo, nababakas ko sa boses ko ang panginginig ng labi ko. Para akong nawalan ng dugo pagkatapos kong magsalita.

Maliit siyang natawa na ipinagtaka ko. Teka, tawa niya ba talaga 'yong narinig ko? "Kalma. Wala akong gagawing hindi kanais-nais sa iyo. Hindi ako ganoong klaseng tao. Huwag kang matakot. Mali ang inaakala mo sa akin. Relaks na lang." Ramdam kong tumayo ulit siya, hindi ko marinig ang yabag ng paa niya kaya hindi ko alam kung saang direksyon siya nagtungo. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang salitang lumabas sa bibig niya. "At hinding-hindi rin kita papatayin," natatawa niyang sabi. "Bakit ako nandito? Simple lang. Bahay ko 'to. Ito na ang nagsilbi kong tahanan noon pa man." Hinanap ko kung saang nanggaling ang boses niya para malaman kung saang eksakto siya naroroon. Nasa may kusina siya.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon