34. Paano Ka?

248 11 0
                                    

Chapter 34: Paano Ka?

Erin

Sa kabila ng pagbalot ng kasabikan sa buong katauhan ko, maingat kong ipinatong sa malambot na unan ang hawak na bilog na bagay para doon muna ito pansamantalang iwanan, habang wala pa ako rito sa bahay. Pinili kong itago ito sa loob ng isang kabinet na hindi ko pa nalalagyan ng kahit anong gamit. Naghanda na agad ako ng sarili dahil sabi ni Peter, papunta na rin daw 'yong mga kabanda namin sa studio upang magpag-usapan ang mga magagandang gaganapan.

Kabababa ko palang ng taxi at naghihintay ng sukli sa drayber, umaabot agad sa tainga ko ang ingay ng mga boses ng mga kabanda ko sa loob ng studio dahil sa labis na kasiyahan, bagay na nagpadagdag pa sa akin lalo ng kasabikan na pumasok sa loob at makita silang lahat. Ako yata ang huling nakarating dahil dinig ko ang kaniya-kaniya nilang boses. Hindi ko sila masisisi dahil katulad ko, mukhang noong naihatid ni Peter sa kanila ang isang magangang balita, hindi na sila nag-aksaya ng panahon na kumaripas ng punta rito.

"Ayown! Ayan na! Erin, nandito ka na! Congrats!" Sinalubong ako ng ngiti ni Timothy. Siya ang unang nakapansin sa akin nang pagkabukas ko ng pintuan, sunod-sunod na silang napalingon sa akin habang nakasuot sa mukha ang masayang ekspresyon.

Lumambot ang tingin ko at lumapit sa kanila. "Uy! Congrats sa atin!" Lumapit din sila sa akin at ibinigay ko sa kanila ang isang malaking yakap. Ito ang unang pagkakataon na nag-group hug kami habang ramdam ang kakaibang kasiyahan ng bawat isa. Hindi katulad noon na lungkot umiikot palagi sa pagitan naming lahat kapag ginagawa ko ito dahil sa pagkatalo.

Habang bumabalik sila sa mga puwesto nila, saktong nagtama ang mga mata namin ni Peter. Nangungusap ang mga ito. Tipid ko siyang ningitian at tinanguan, ganoon din ang natanggap ko sa kaniya. Nasa utak ko pa rin 'yong mga salitang inamin niya tungkol sa trauma na nakukuha niya sa kanta namin pero unti-unti ko 'yon nakakalimutan nang makita ko ang galak sa mga mata niya. 'Yon ang tingin kong nasa mga mata niya. Sana tama ako.

Napabaling ako kay Vern nang magsalita ito. "Sa wakas, nakabuo rin tayo ng kantang makakapag-ahon ng banda natin." Abot-tainga ang kaniyang ngiti. "Isipin ninyo, sa dami-daming kantang sinumbit ng iba't ibang talentadong tao sa Pilipinas, napasa 'yong atin? Dude, grabe 'yon! Hindi ako makapaniwala. Alam kong ginawa natin 'yong best natin para makapasok pero noong mga panahong ginagawa rin natin 'yong best natin, natatalo pa rin tayo, 'di ba? Iba na ngayon. Ano kaya nakita nila sa kanta natin?"

"P're, alam mo, pakiramdam ko, sa atin na 'to, time na natin 'to, ito 'yong sinasabi nilang magsha-shine na tayo," pagtugon naman ni Timothy. Napangiti ako nang marinig ko 'yon. Nagustuhan ko ang pagiging positibo nila.

"Sana." Napalingon ako agad kay Jeric na nakatulala pala sa sahig, ako lang yata ang napatingin sa kaniya. Palihim itong bumuntong-hininga.

"Kapag ba hindi natin nakuha 'yong pinakamataas na puwesto, aalis ka pa rin ba?" kusang lumabas sa bibig ko na naging dahilan ng pagbaba ng ngiti nilang lahat. Parang may dumaang anghel at tumahimik sila. Napalingon na rin sila sa direksyon ni Jeric at nag-aabang sa kung ano ang isasagot nito.

Kita ko ang kaniyang paglunok. "Hindi ko masasabi pero sana maging proud pa rin sa atin 'yong misis ko na kapag nalaman niyang nakaabot tayo sa ganito ay hindi niya na isipin na talunan tayo. Kasi para sa akin, sobrang laking bagay na nito." Lumingon siya sa ibang direksyon. "Bisyo ko ang pagtugtog. Ayaw kong alisin 'to sa katawan ko. Ayaw kong talikuran 'yong bagay na nagsilbing buhay ko."

"Proud na naman siguro sa 'yo 'yong misis mo no'n, pre. Tingnan mo, hindi na birong simpleng kompetisyon 'tong sinalihan natin, buong bansa na ang usapan dito. Sa libu-libong kantang nagpadala, kasama sa sampu 'yong atin," pagtugon ni Vern.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon