15. Ikumpara

348 20 1
                                    

Chapter 15: Ikumpara

Erin

Gumising ako nang wala na ang bigat ng bato sa ibabaw ng dibdib ko. Kinapa ko sa side table ng aking kama ang phone ko at napakunot na lamang ako ng noo nang makita kong fully charged na ito. Paano nangyari 'yon? Gayon, hindi ko naman isinaksak ito nang madaling araw.

Tila gumapang ang ngiti sa labi ko dahil sa aking naiisip. Magmamaang-maangan pa ba ako? Si Mando lang naman ang nakasama ko buong gabi, baka siya ang nag-charge nito. Pero agad din akong napasimangot nang namalayan kong late na pala ako sa klase.

Agad na akong bumangon para maghanda ng sarili at tulad no'ng kabilang linggo, si Elmo ulit ang nakasabay kong pumasok. Hinintay niya ulit ako.

Habang nasa tricycle, tinawagan ko si Mama para kumustahin at halos maluha ako dahil ramdam ko ang labis na saya sa boses niya habang nagkukuwento. Sobrang saya raw siya, isinayaw raw siya ni Papa, magkayakap daw silang natulog, sabay rin daw silang kumain ng umagahan dahil ipinagluto raw siya nito. Hindi raw siya nakapaniwala. Hinding-hindi raw niya makakalimutan kung ano ang nangyari kagabi, sayang daw at umuwi raw ako agad. Nakarating ako sa school nang nakikinig lang ng mga kuwento niya. Nanumbalik ang ligaya sa dibdib ko dahil may magandang nangyari no'ng sinumbatan ko si Papa. Sana magtuluy-tuloy na. May pagkakataong napapalingon sa akin si Elmo, hindi niya alam ang rason kung bakit medyo nagiging emosyonal ako.

Mabilis umusad ang oras, nang awasan na ay dumaretso na ako sa tambayan namin dahil sinabihan ako ni Peter na may practice at may i-a-announce raw siya. Gaya ng inaasahan, sandamakmak na tanong ang ibinato sa akin ng mga kabanda ko tungkol sa biglang pag-alis ko kagabi, sinagot ko na lang ang nakahandang sagot sa mga inaasahan kong tanong nila. Siyempre, hindi ko inamin ang totoo. Ganoon pa man, naniningkit ang mga mata ni Peter sa akin, halatang hindi siya kumbinsido pero mas pinili na lang niyang manahimik. Hindi pa rin kami magkikibuan simula no'ng pagkarating ko, ngumit ramdam ko ang mga pares niyang mata na patago akong sinisilayan.

"Nag-iiwasan ba kayo?" diretsahang tanong ni Jeric na nagpakaba sa akin nang todo. Natigilan ako. Katatapos lang namin mag-practice at sama-sama kami sa isang kuwartong nagpapahinga. Lahat kami ay nakaupo sa sahig habang nag-uusap pero pareho kami ni Peter na tahimik lamang at sila, nagtatawanan.

Hindi agad ako nakapagsalita dala ng gulat. Ramdam kong ganoon din si Peter.

"Oo nga, napapansin ko rin." Dinig kong komento naman ni Timothy. Napaangat ako ng ulo at pansin kong lahat sila ay sa akin nakatutok ang mga mata, nag-aabang ng isasagot ko.

"Sinong nag-iiwasan?" patay-malisya kong tanong. Pilit kong huwag magpakita ng kahit anong ekspresyon sa mukha.

"Kunwari ka pa, kayong dalawa ni Peter," tugon ni Vern.

Napalunok ako. "Kami?" kunwaring gulat kong sabi habang nakaturo sa amin dalawa ni Peter. Ramdam ko ang matinding pagtitig niya sa akin at hindi ko magawang salubungin iyon, pinipigilan kong huwag lumingon sa puwesto niya. Parang gusto ko na lang umalis dahil halos tumatagos sa pagkatao ko ang titig niya. "Hindi, ah. Ayos kami."

"Titigan mo nga siya kung ayos nga lang kayo," pagsubok sa akin ni Timothy habang nakangisi.

Nanuyo ang dila ko. "A-Ayaw ko nga."

"Tamo 'to. E 'di, may something nga. Ano ba talaga ang nangyari? Huwag niyo naman 'yan itago sa amin. Parang hindi kaibigan, ha," usiserong bigkas ni Jeric.

"W-Wala—"

"Inamin ko sa kaniyang gusto ko siya," mabilis na sagot ni Peter. Aksidente akong nabaling sa kaniya kaya nagtama ang mga mata namin, pilit siyang ngumiti at itinaas-pababa ang kilay ngunit kita roon ang lungkot. Ang bilis ng pintig ng puso ko.

when you disappeared at midnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon