epilogue

3K 78 8
                                    

Aki's POV

"Nak, kailan ka pa ba mag-aasawa? Wag mong sabihin saking mas gusto mong tumandang dalaga?! Aba! Gusto ko rin namang magka-apo!" Maktol sakin ni mama.

"Magkaka-anak na naman sina Charc at Kelly a? Antayin nyo na lang yun, Ma."

"Tumigil ka, Aki ha? 28 ka na, baka nakakalimutan mo! At hanggang ngayon e wala ka pa ulit nagiging bf after nyong maghiwalay ni Reymund. Mahal mo pa ba sya?"

"Mahirap mag-move on, Ma. At tsaka, wala namang ibang nagtatangkang manligaw sakin. So, wala akong choice."

"Meron! Lumabas ka ngayon din at makipag-date!" Utos sakin ni Mama.

Ang weird ng Mama ko no? Yung ibang nanay pagbabawalan ang mga anak nilang lumabas ng bahay at makipag-date. Pero 'tong si mama, kulang na lang palayasin ako para lang makahanap ng lalake. Hindi naman siguro nagkakaubusan ng lalake di ba? Si Mama talaga.

"Bilisan mo! Gusto ko pagbalik mo may asawa ka na at may apo na ako!"

"Wow, Ma! Ano yun? Instant?"

"Bilisan mo kung ayaw mong ako pa ang mag-arrange ng kasal mo sa hindi mo kilalang tao!"

Si Mama high blood. Tumatanda na kasi. Nasa menopausal stage na kasi sya. Secret lang natin yun ha? Haha!

Nagpunta na lang akong mall. Doon na lang ako magpapalipas ng oras. Pumasok ako sa isang fast food chain kasi masarap ang fries nila rito.

Naisip ko lang. Kamusta na kaya si Bakulaw? Its been 3 years mula noong nag-break kami. But until now mahal ko pa rin sya. Sya kaya, mahal pa rin kaya nya ako?

"Wag kang mag-alala. Mahal ka non." May nagsalita mula sa likod ko.

"Charc! Kelly-ng Buntis! Nice to see the both of you!" Nakipag-beso ako kay Kelly at fist bomb naman kay Charc.

"Bakit ka nag-iisa dito?" Tanong sakin ni Kelly.

"Sino ba naman kasing pwedeng sumama sakin di ba? Lahat kayo may kanya kanya nang family."

"Bumuo ka na kasi ng sarili mong family." - Charc

"No comment." Sabi ko na lang at nagtawanan kami.

Lahat ng barkada ko may family na. Sina Z at Shane, Arlene at James, Cahrc at Kelly, at sina Arnold at Hannah. Di nga rin ako makapaniwala noong una na hindi nagkabalikan sina Hannah at Bakulaw. Yun pala, sila na ni Arnold noong mga panahon na yun.

Si Rachelle naman at Kapatid, nag-break din sila pero nagbalikan. At ngayon, ikakasal na sila. Akalain mo yun? Talagang nag-stick na sila sa mga lovelife nila noong college pa kami. Ang sweet!

Si Bakulaw naman, matagal na akong walang balita sa kaniya. Pati nga media hinahanap din sya. Hindi dahil may kaso or what, syempre, gwapo sya, mayaman at sikat kaya talagang mai-intriga ang lahat kung saan sya nagpunta.

Hayy... Sana lang ligtas sya.

"Bakit nga pala kayo nandito? Bakit hindi kayo kumain sa mamahaling restaurant? Para masanay agad ang baby nyo sa magarang pamumuhay."

"Sa fries kasi naglilihi itong si Kelly. At gusto nya, dito raw kami kumain."

"Kaya pala..."

"Kamusta naman pala kayo ni Rey? Kinokontak ka pa ba nya?" Tanong ni Charc na nakapagpasimagot sakin.

"Bakit naman nya ko kokontakin? Baka busy yun sa lovelife nya kaya nagtatago pati sa media."

"Selos ka naman?" Charc grinned.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon