Aki
*sniff *sniff
Bakit ang bango yata sa kwarto ko? Wala naman akong natatandaang bumili ako ng air freshener?
Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko dahil ang sarap ng pwesto ko sa kama.
Kailan pa naging ganito kakomportable ang kama ko?? Ang lambot talaga! Sarap pang yapusin ang unan ko! Ang bango bango!
Pinanggigilan ko pang yakapin ang unan na yakap yakap ko.
*sniff *sniff
May naaamoy na naman akong mabango. Pero iba ngayon. Amoy ulam na masarap!! Hmm!! Katakam-takam!
Bumangon ako sa kama habang nakapikit pa rin.
Kung panaginip man 'to, susulitin ko na. Minsan lang ako managinip na parang totoo e.
Sinundan ko yung amoy ng ulam at dinala ako ng mga paa ko sa lugar na hindi ko alam kung saan kasi nakapikit pa rin ako.
"Sino ka?" Narinig kong tanong ng isang babae.
Nasa dreamland pa rin naman ako di ba? Magpapakadonya na rin ako ngayon.
"Ako ang donya dito. Ang may ari ng kalhati ng mundo. Hihih!" Tawa ko habang nagpapanggap ako sa panaginip ko. Nakapikit pa rin ako ngayon.
"Are you insane? O baka naman nakadroga ka? How did you get in here? Guards!" Sigaw ng babaeng kausap ko.
Ganito ba ang epekto ng alak sa panaginip? Parang reality na rin ang panaginip mo? Ayos 'to a! Baka maging lasinggera ako nito. Haha!
"Guards! Hulihin ang babaeng yan! Paalisin sa palasyo ko!" Utos ko rin.
Aba! Panaginip ko ata 'to no! Walang makapagpapalayas sakin!
"What are you talking about, Sisa-like lady?" Halata sa boses nya ang pagkairita.
"This place is my palace. It is in my dream. You are in my dream. At di mo po mapapaalis sa sarili kong panaginip."
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...