Chapter XXVI

1.8K 47 0
                                    

Aki

Nagbabatuhan sina Rache at kapatid ngayon ng unan. Nagkukulitan naman sina Arlene at James. Iniipitan naman ni Z si Shane.

Seriously? Bakla ba si Z? Ang galing nya mag-ayos ng buhok e! Daig pa ako! Haha!!

Si Arnold naman, kagaya ko, pinapanood lang sila.

Ang saya pala talaga ng maraming kaibigan. Nagpapasalamat ako dahil naging biyaya sila sakin.

"Aki! 6 na pala. Kailangan na naming umuwi." - Arlene

"Oo nga. Baka hanapin na kami sa amin." - Rache

"Ano kayo? Bata at hindi pwedeng magtagal sa labas?" - Z

"Ikaw talaga, Babe! Syempre babae kami kaya ingat na ingat kami sa amin." - Shane

"Sige. Ihatid mo na James si Arlene. Ikaw naman Z, kay Shane syempre. Ikaw Ced, kay Rache." - Arnold

"E ikaw?" - Ced

"Magpapaiwan muna ako saglit." - Arnold

Hala?? Ano na namang pumasok sa utak nito??

"Bakit? May balak ka no?" - James

Binatukan naman ni Arlene si James.

"Ayan! Napala mo! Kung ano ano kasi ang nasa isip e!" - ako

"Kuya! Maglalakad na lang ako kesa magpahatid ako dito kay James!" Reklamo ni Arlene.

"Wag naman ganun, Prinny...." Pagmamaka-awa ni James.

"Prinny??" - lahat kami

"Short for Princess and Queeny."

"Eewww!!" - lahat kami. Including Arlene.

"Hay!! Umalis na nga lang tayo! Tara kuya Ce----" sabi ni Rache at sinamaan sya agad ni kapatid ng tingin. "Hehe... Ibig kong sabihin.. Ced... Hehe... ^_^!V"

"Sige. Aalis na kami." - Kapatid

"Sige, kapatid! Ingat ka!" - ako

"Pagaling ka, kapatid!" - Ced

"Pagaling ka, Aki!" - lahat na sila

Sumakay na sila sa mga kotse nung mga lalake. Si Arnold naman, katabi ko dito sa may pinto habang kumakaway kami.

"Bakit ka ba talaga nagpaiwan dito? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Naisip ko lang, dito lang ako hanggang sigurado akong magaling ka na." Paliwanag nya.

"Magaling na naman ako e. Pwede ka ng umuwi. Baka hanapin ka pa sa inyo."

"Tinataboy mo talaga ako?" - Arnold

"Hayy... Pati ba naman ikaw?? O sya, sige. Maraming salamat Mr. Arnold Salazar Ramirez. Di kita tinataboy. Ayoko lang na mag-alala sayo ang pamilya mo dahil lang sa nandito ka."

"Tinaboy mo rin ba si Rey kagabi?" Seryoso nyang tanong.

Ano bang problema ng lalaking to?

"Oo. Ilang beses ko rin syang pinauwi at hindi tinaboy. Nagpasalamat din ako sa kanya. Bakit mo naman natanong?"

"Babalik sya rito, tama ba?"

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon