Chapter XL

1.8K 41 1
                                    

Aki

"Ano namang pumasok sa isip nyo't mag-iinom kayo?" Tanong ni Kapatid sakin habang nasa kotse nya kami papunta sa bahay nila. Ngayon na kasi kami mag-iinuman ni Salazar.

"Trip lang?" Patanong kong sagot. "Kailangan ko bang magpaliwanag sayo?"

"Hindi naman. Nakakapanibago lang na mag-iinom ka. Ang alam ko kasi santa ka kaya di ko inaasahan 'tong plano nyong 'to."

Nagkibit balikat na lang ako.

Iniisip ko pa nga rin kung itutuloy ko pa ba 'to. Pero napasubo na ako kaya gora na lang.

Pagtigil namin sa harap ng isang two storey bungalow, nagbukas ang gate nito at nagpark sya sa garahe nila. Marami pang ibang sasakyan doon kaya hindi ko alam kung andoon na rin si Salazar.

"Sabi ni Rey doon na lang daw kayo mag-inuman sa garden namin. Maghahanda na lang ako ng latag at pulutan nyo." Sabi ni Kapatid.

"Hindi ka ba sasama samin sa pag-iinom?"

"Gustuhin ko man ayaw naman ni Rey. Ipinagdadamot ka na agad sakin!" Reklamo ni Kapatid.

"Anong pinagdadamot ka jan? Masyado lang kasi sigurong personal ang pag-uusapan namin. Pero kung tutuusin nga ayos lang naman sakin kahit makinig ka. Para naman may umalalay sakin kung sakaling malasing ako. Di ko kasi alam ang magagawa ko kapag nalasing na ako. First time ko kasing gagawin 'to."

"Wag kang mag-alala. Babantayan ko naman kayo. At may tiwala naman ako kay Rey." Sabi nya kaya napangiti naman ako. "Kapag nasa wisyo sya." Pahabol nya kaya napaharap agad ako sa kanya.

"Kapag lasing sya nawawala na ang tiwala mo sa kanya? Bakit? Paano ba sya kapag lasing?" Tanong ko.

"Basta basta na lang nya gagawin ang unang pumasok sa isip nya. Halimbawa, naisip nyang halikan ang nasa harapan nya, gagawin nya." He said as a matter of fact.

"Ano pang ginagawa nya? Para aware ako."

"Nangyayakap. Nanunuka. Nagdadrama. Tawa ng tawa. Pero miminsan, K.O. agad kapag talagang nasobrahan."

"Salamat. Unang kong gagawin, sa likod nya ako pupwesto. Malayo dapat ako sa kanya para di nya ko mayakap at masukahan. Kakausapin ko sya para manatili sya sa real world at hindi ako dramahan. Basta bantayan mo kami ha?" Sabi ko habang binibilang sa daliri ko ang mga dapat kong gawin.

"Talagang makikipag-inom ka sa kanya nang ganon? May matiwasay na usapan kayang mangyare sa inyo? Baka wala pa kayong mapagkasunduan." Komento ni Kapatid.

"Bahala na mamaya."

Mga ilang minuto pa nya akong inilibot sa bahay nila. Tinuro nya sakin ang banyo, ang kwarto nya, ang playroom nila saka pa nya ako dinala sa garden nila.

"Ang ganda naman ng garden nyo. Ang daming bulaklak at orchids. May table at mga upuan naman pala dito. Bakit hindi na lang kami dito mag-inuman mamaya?" Puna ko.

"Sinabi ko na nga rin yan kay Rey pero sabi nya, baka may makarinig daw sa usupan nyo. Kaya dun daw kayo sa may malapit sa tree house namin."

"Wow! May tree house kayo? Gusto ko syang ma-try!" Masaya kong sabi.

"Sige. Ginawa yan para samin nina Rey nung mga bata pa kami. Dito kami lagi naglalaro at kumakain ng magkakasama." Kwento nya.

"Ibig sabihin bata pa lang kayo, barkada na kayo?" Tumango naman sya. "Ang galing naman. Ang tatag talaga ng samahan nyo."

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon