Zack
"Guys! Ako, may gf na at 3 years na kami. Si James, malapit na rin atang magkalove life. E pano kayong 3? Aantayin nyo pang pumuti ang buhok nyo bago magkameron?"
"Hoy! Ganito lang kami kasi gwapo kami. Namimili kami ng mabuti kaya ganun!" - Rey
"Gwapo daw? San banda?" Singit ni Aki
"Hoy! Di ka kapulong! Wag kang epal!" - Rey
"Di ba Arnold? Ikaw ang kausap ko? Hanggang dito lang. May barrier na yan kaya may naririnig ka ba sa labas? Parang may bubuyog e." Sabi ni Aki habang nagdo-drawing sa hangin ng linya.
"Argg!!" - Rey
Kailan pa nag-asaran tong 2 to? Napatingin na lang talaga kami sa kanila.
"Hoy! Bakit? May problema kayo?" - Aki
Sabay-sabay naman kaming napa-iling.
"Mabalik tayo. May point si Rey about being choosy. Kailangan kasi, isang babae na kakaiba. I don't want an ordinary and typical girl. Gusto ko yung worth it para mahalin ko at kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya." - Arnold
"Like.... Aki??" - James
"Hoy! Bakit naman ako napasali jan sa usapan na yan! Labas ako jan!"
"Maybe..... Maybe not...." - Arnold
"E ikaw naman Ced?" - me
"I want someone na proud of who she is." Matipid nyang sagot.
"Like..... Si Aki ulit??" - James
"Hoy! Pangalawa na yan! Wag nyo akong idamay jan! Uupakan ko kayo pag nalaman kong kalokohan yang pinag-uusapan nyo!" Singit ni Aki.
Di nya kasi alam ang pinag-uusapan namin dahil busy sya sa pagso-solve ng math problem.
Hindi naman umimik si Ced. Maybe... Ganon din siguro ang sagot nya.
"E ikaw naman, Rey?" - ako
"Me?? I just want someone who's true to herself and to others. Ayoko nang manloloko."
Bitter pa rin sya hanggang ngayon. But I noticed something... Parang pare-pareho lang sila ng tinutukoy... Mali pala.. Pare-parehong nasa iisang babaeng kilala ko ang mga katangiang gusto nila... Love square?? Meron ba non? Baka ngayon palang mauso...
"Like Aki??" - James
"Eew! Never!" Sigaw ni Rey.
In denial....
"Hoy!! Pangatlo na yun ah! Bakit napapasama jan ang pangalan ko?!"
"Wala yun. Nag-uusap lang kami about bitterness. And you are the best example for them all." I said smiling mischievously.
"Ah yun lang ba. Sige. Forgiven." Sabi nya at bumalik na ulit sa pagsasagot.
Kung alam mo lang Aki... Ang haba ng hair mo!
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...