Chapter VIII

2.6K 68 0
                                    

Aki

"hoy! Fuentes!"

"hoy!"

"HOY! GISING!!" sigaw ng isang lalake.

nakakainis!! di ba nila alam na masamang mang-istorbo ng tulog?! at may pasundut sundot pa sa tagiliran ko gamit ang ballpen! ano ako, asong dusdusin para pandirihan?!

"ANO BA?! istorbo naman kayo sa tulog eh! umalis nga kayo!" pagtataboy ko sa barkadahan nila.

"wala kasi kaming magawa kaya pinuntahan ka na lang namin." - James.

"sa dami naman ng maiisip nyong puntahan, ako pa talaga? umalis nga kayo! di tayo close!" sabi ko sabay ubob ulit sa desk ko.

hayy... pagod na pagod ako sa trabaho kahapon kaya wala akong ganang makipag-sagutan sa kanila ngayon. pahinga muna ako habang vacant pa namin. at after ng commossion kaninang umaga, di ko na ma-feel pang maging masaya.

pano ba naman, ang sasama ng tingin sakin ng mga babae. porke tinabunan ko ng cake sa mukha ang kanilang prince pa-charming. at lahat ng makakasalubong ko, pinariringgan ako. wala naman akong paki sa sinasabi nila kaya lang yung iba, nananapilok talaga!

isang beses nga, papunta akong banyo, tinapilok ba naman ako kaya nagsungasob ang mukha ko sa sahig! ang sakit pa nga ng baba ko!

"guys! anjan lang pala kayo. anong ginagawa nyo dito?" tanong ng bagong dating na si bakulaw.

"wala lang pre. pinuntahan lang namin tong bago naming kaibigan." - Z.

"di ko kayo kaibigan kaya lumayas na kayo." sabi ko habang naka-ubob pa din.

"sino ba yang bago nyong kaibigan at talagang kayo pa ang pumunta sa kanya? chix ba pare?" bulong nya na narinig ko naman.

inangat ko ang ulo ko at dahan-dahan ko silang tinignan.

"kung magchi-chismisan lang din naman kayo, dun kayo sa labas. may gustong matulog dito. alis." cold kong sabi. nakakawalang gana naman kasi tong mga taong to!

"aba't?! sya ba ang bago nyong kaibigan?!" bakulaw asked in shock.

"oo." - James

"sabi ko nga sa inyo, di ko kayo kaibigan. kung ayaw nyong umalis, ako na lang ang aalis. mga bakulaw." I said while standing.

"anong sabi mo?! bakulaw kami?!" - bakulaw leader.

"hayst!! bahala ka nga jan!! ang ingay mo!! daig mo pa ang babae!!" - Arnold.

"tara! sama na lang tayo kay Aki!" - Z.

"at kailan ko sinabi sa inyong tawagin akong Aki? di tayo close kaya wag nyo din akong sundan!" I said angrily.

"talaga bang mas pipiliin nyong sumama sa kanya kaysa sakin?!" di makapaniwalang tanong ni bakulaw.

"e di sumama ka na lang bro!"

di ko na narinig ang mga sumunod nilang pinag-usapan. nakalabas na kasi ako ng room.

naglakad ako papuntang serenity garden ng campus. ang peaceful kasi dito. walang istorbo. hayyy.... makakapag-pahinga na ako sa wakas!!

"uy! anjan ka pala friend!" - Arnold.

hayy... kakasabi ko lang na walang istorbo....

"bakit ba ang hilig nyong bumuntot? may kailangan ba kayo sakin?" I asked.

gusto ko nga din itanong kung anong plano yung narinig ko sa kanila pero gaya nga ng sinabi ko, di kami close para mangialam ako kahit involve pa ako dun sa plano nilang yon!

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon