Chapter XXX

1.9K 39 0
                                    

Aki

"Andito na tayo." Sabi ni Bakulaw.

"Asan tayo?"

"Sa dagat. Baba ka na. Masarap magpahinga dito." Sabi nya at lumabas na sa kotse.

Lumabas na rin naman ako at nag-inat inat.

"Ahh.... Ang sarap ng simoy ng hangin dito! Ang lamig! Anong oras na ba? Ang tagal ata nating nagbyahe? Baka lalo tayong di makapagpahinga dahil gabing gabi na." - ako

"Mga 8:30 palang naman ng gabi." Sagot nya.

"Ano?! E anong oras pa tayo makakauwi?!"

"Baka mga 10 na siguro."

"Baka mabunggo naman tayo nyan?! Alam kong inaantok ka na at pagod pa!"

"Bahala ka nga jan! Nagpunta nga ako rito para magrelax tayo tapos ang dami mo pang reklamo! Maglakad ka pauwi." Sabi nya at naglakad na papunta siguro sa tabing dagat.

Wala naman akong nagawa kundi sundan sya. Gustuhin ko mang magpaiwan na lang sa kotse nya para matulog, di ko yun magagawa dahil ni-lock nya ang pinto! Kainis!

Naupo naman sya sa tabing dagat. Umupo din ako don pero malayo ng konting konti sa kanya. Mga isang dipa lang naman ang layo. Ang lapit pa non ha.

"Bakit ang layo mo na naman sakin?!"

"Wala lang. Gusto ko lang." Sagot ko naman.

Padabog naman syang tumayo at umupo sa tabi ko.

Ano ba yan?! Sobrang lapit lalo nya sakin! Magkadikit na ang mga balikat namin e!

Umisod naman ako ng konti pakanan. Kaya lang, ang putik! Sumunod ulit! Nakakainis na a?!

"Bakit ba gusto mo kong lapitan?!"

"........."

Aba't, nice talking!! Ang sarap kausapin ng sarili ko!

Tumahimik na lang din ako at huminga ng malalim.

Sayang naman ang pagkakataong ito. First time kong makakita ng totoong dagat e. Madalas, pictures lang nila ang nakikita ko.

Bigla namang nahiga si Bakulaw at ginawa pa talagang unan ang hita ko!

"Hoy! Di ako unan no!"

".........."

"Tulog ka na ba talaga?" Tanong ko tapos sinundot ko yung pisngi nya.

Bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at nagsalita mag-isa.

"Wag mo kong iiwan.... Pakiusap... Dito ka lang sa tabi ko..." Sabi nya pero parang nananaginip lang talaga sya.

Biglang bumilis ata ang tibok ng puso ko? Bakit ganon? Ang weird ng feeling. Ngayon ko lang to naramdaman e. Siguro dahil lang sa malamig dito? Oo. Ganon nga yun.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon