Aki's POV
Umalis na ako sa mansyon nina Salazar after kong makausap ang nanay nya. Masyado kasi akong nasaktan sa mga pinagsasabi sakin ng nanay nya. Gets ko naman kung gusto nyang protektahan ang anak nya sa mga taong di naman nya lubusang kilala. Pero sana naman, hindi nya agad ako hinusgahan. Mas masakit talaga para sakin yung in-offer-an nya ako ng pera para layuan ang anak nya. Pagod na pagod na akong patunayan ang sarili ko na hindi ako mukhang pera kahit mahirap lang ako!
Naglakad lang ako palabas ng subdivision nina Salazar. Kulimlim rin kaya malaki ang chance na abutin ako ng ulan sa daan. Malayo pa man din ang mansyon nina Salazar sa may gate.
Kailangan ko na talagang gawin ang plano kong maging successful at inspiration sa maraming tao. Para naman mapatunayan ko sa kanilang mga nang-aapi sakin na hindi ako gumamit ng ibang tao para makarating sa lugar kung nasan ako. Na pinaghirapan ko lahat ng bagay na meron ako.
Biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko.
"San ka galing, Aki?" Tanong ni Arnold pagkababa nya ng kotse.
Hindi ko alam pero napaiyak na lang ako pagkakita ko sa kanya.
Ang sakit ng dibdib ko... Bakit kasi ako nahulog sa gunggong na Bakulaw na yun?! Nasabihan ko na ang sarili ko na imposibleng mangyari yun at bawal, pero di ko pa rin sinunod ang sinabi ko! Nagdudusa tuloy ako ngayon! Ito ang karma ko sa katangahan ko, ang magmahal ng isang Reymund Salazar...
Inaamin ko na may gusto na nga ako sa kaniya. Noon ko pa siguro 'to nararamdaman pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko kasi nga, sinabi kong bawal at imposible yun.
"Anong nangyari sayo, Aki?!" Nagpa-panic na tanong sakin ni Arnold.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya habang naiyak pa rin.
"Pangalawang beses ko na 'tong umiyak... At parehong ikaw pa ang nakakita..." Sabi ko habang nanlalabo ang mga paningin dahil sa luha.
"Ako nga ang nakakita pero hindi naman ako ang dahilan ng luha mo. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong makita kang umiyak ngayon dahil hindi ako ang dahilan nyan o magseselos ako. Hindi kita gustong paiyakin kahit kailan pero sana, iyakan mo rin ako gaya ng pag-iyak mo sa taong nanakit sayo ngayon. Kasi ibig sabihin non, mahalaga sya sayo at ganyan ang epekto nya sayo. Pero nasasaktan akong makita kang ganyan."
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...