Aki
Hayy.... Buti naman at naka-usap ko na sina Arnold. Nabanggit ko na din sa kanila na medyo bati na kami ni bakulaw. Nag-sorry din ako sa kanila dahil dun sa naging desisyon ko na layuan sila. Pinatawad naman nila ako at kinatuwa ko talaga yun. Natuwa nga sila at sinabi pa nila sakin na bukas, sumama na ako sa kanila but I refused. I told them na baka mainis sa kanila yung mga tao dito sa university dahil tinanggap nila akong kasama samantalang sila na matagal nang humahanga sa kanila ay di man lang nabigyan ng pagkakataon. But then, sabi nila, pareho lang daw kami na walang pakialam sa sasabihin ng iba kaya okay lang daw. Pero di pa rin ako didikit sa kanila. Pag may kailangan sila, saka ko na lang sila tutulungan.
"Aki! Table 14! Bagong dating." Sabi ni ate Loren.
Dito nga kasi ako dumiretso pagkatapos namin mag-usap nina Arnold.
"Sige po." Sabi ko at lumakad na ako papunta sa table 14.
"May I take your order, sir....." Natameme na ako kasi si bakulaw pala yun.
Ano ka ba naman Aki?! Regular sya dito di ba? Wag ka nang magulat!
"Water please." He said, smiling at me.
Hayy... Ano ba naman tong taong to? Obvious naman siguro na nakukuha nya ang atensyon ng marami dito dahil lang jan sa ngising yan. Attention catcher talaga sya e. Kaya ayoko syang kasama, lagi kasi ako tinitignan ng masama kapag kasama ko sya.
"Wait a minute, sir. I'll just get the pitcher." I said.
"Hey!" Sabi nya bago pa ako makatalikod sa kanya.
"Do you need anything else, sir?"
"Nothing." He said smiling.
"Okay, sir."
Parang sira ang tuktok nito? Tatawag tapos wala naman palang kailangan. Nang-aasar ba to? But excuse me! I'm a professional! Di ko sinasama sa trabaho ang personal kong buhay and vice versa. Kaya magtitiis ako hanggang matapos ang shift ko.
"Here you go, sir. Anything else?"
"Thanks. Ahm... Wala na naman... I'll call you later when I need something." He answered and I nodded.
Di naman ganon katagal ang pinag-antay ko kasi dumating din naman agad ang date nya. At ano pa nga bang aasahan mo sa isang Raymond Salazar? Syempre, magaganda ang dates nya lagi. Sya yung nabanggit ko date na umiiyak yung babaeng kasama nya kinabukasan.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...