Chapter XXII

2K 43 1
                                    

Aki

Tapos na ang klase at inaantay ko na lang si bakulaw na dumating.

Ang daya naman ng bakulaw na yun!! Ako, di pwedeng ma-late kundi magbabayad ako! Tapos sya, pwede?! Maduga talaga yun e!!

"Waiting for me? Masyado ka naman atang atat na magsession tayo?" Sabi ni bakulaw sa likod ko.

"Excuse me! I'm just being on time. You're the late one here." Sabi ko.

"Whatever. Turuan mo na ako sa trigonometry. Sin Law na kami." - bakulaw

"Kaya mo na yun!"

"Para san pang kinuha kitang tutor kung di mo gagawin ang trabaho mo?"

"Masyado naman kasing madali ang pinapaturo mo! Kung tutuusin nga, self study na lang ang kailangan mo." Pangangatwiran ko.

"Pinapainit mo na ang ulo ko... Gusto mong magbayad ng 25K?" Pang-aasar nya.

"Hay! Oo na! Sige na!! Ganito kasi yan. Kung anong hinahanap mo, represent it as 'X' at para mas madalian ka, yung X, lagi mong ilagay sa taas ng kaliwa ng '='" paliwanag ko.

Buong 2hrs ganon kami.

Nakikinig din naman pala to. Gusto lang talaga nya, sa kanya lang ang atensyon ng magtuturo para mak-focus din sya. Yun nga lang ang ikina-arte nya.

6:59 pm

"Yan. Tapos na ang session natin ngayon. Bukas na ulit." Sabi ko at tumayo na ako.

"Hoy! May 1 minute pa!" Reklamo ng bakulaw na to.

"Para 1 minute, di mo pa ako pagbibigyan? Hayaan mo na! Tapos na naman ang itinuro ko sayo e. May natutunan ka naman di ba? Naintindihan mo din ang mga pinaliwanag ko sayo."

"Kahit pa! I told you when it's my time, it's my time! And I still have that time left! And don't waste my time or it will double, remember?"

"Okay. 30 seconds na lang naman ang aantayin ko e. Anong gagawin natin?" Tanong ko.

Mas okay na sakin na mag-intay ng 30 seconds sa kung anomang gustong gawin ng bakulaw na to, kesa magkaroon pa ng isa pang 2hrs na kasama to!

Nakita ko naman si Arnold sa di kalayuan na nag-iintay.

"15 seconds. Wala ka talagang maisip na gawin?" Atat kong tanong.

"Just stay with me." Seryoso nyang saad.

Hala?? May problema na naman ba to?? Himala ng langit at nag-seryoso!

"O sige??" Sabi ko at tumahimik na lang ako.

Ilang segundo na lang naman.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon