Aki's POV
"Guys, mag-celebrate naman tayo sa mabilis na pagtapos ng trabaho nyo sa ibang branch namin. Ang nangyayare kasi, isang araw lang ang tinatagal natin sa bawat branch ng company namin. Pero gusto ko namang ma-enjoy nyo rin kung anong na-e-enjoy ng mga loyal visitors and partners namin." Sabi ni Salazar pagkarating namin dito sa Tokyo.
Dito ang next stop namin at yan agad ang sinabi nya. Para namang mag-e-enjoy ako na kasama sya.
"Sige, Jasper. Sumama na kayo kay Mr. Salazar para makapagsaya naman kayo. Ayoko namang isipin nyo na puro na lang trabaho ang inatupag natin." I said.
"Ma'am, sumama na po kayo samin." - Jasper
"No, thanks. Matutulog na lang siguro muna ko. Kailangan ko rin kasi ng pahinga." Sabi ko at nauna na akong umalis sa kanila.
Nag-check-in ako sa hotel nina Salazar dito sa Tokyo. Nakakahiya naman kasi kung sa ibang hotel pa ako tutuloy e andito na rin lang naman ako.
Pagkababa ko ng gamit ko, kinuhanan ko na rin ng litrato yung kwarto na binigay sakin. At least, bago ako magpahinga, may nabawas na ulit sa trabaho namin.
Nakarating kami dito ng 10 am. Gigising na lang siguro ako mamayang 3 para ayusin ang mga gamit ko. Tinext ko na rin sina Jasper na free day na lang nila muna ngayon at bukas na lang namin sisimulan ang trabaho.
_____________
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may nagbukas ng pinto. Tiningnan ko ang paligid pero wala namang tao. Pero nakita kong may letter na nakapatong sa bedside table.
'Kumain ka na. Hihintayin kita sa restau at 3.' Yun ang sabi sa letter.
Tiningnan ko kung anong oras pa lang. It's only 2 pm. At kung sino man ang nagsabi nito, hindi ko rin sya pupuntahan. Malay ko ba kung holdaper sya o rapist?
Pero kung holdaper sya, dapat kinuha na nya ang gamit ko kanina pa. at kung rapist naman sya, dapat hinalay na nya ko habang tulog ako kanina, di ba? Haisst! Nagiging malaswa na rin ang pag-iisp ko e.
Bumalik ako sa pagtulog ko. Nagising ako ng 5 pm. Kahit ang alarm ko kanina para mag-ayos ng gamit ay 3, hindi ko rin pala napansin na tumunog ang alarm clock ko. Napasarap ata ang tulog ko dahil sa pagod noong mga nakaraang araw. Hayy...
Naligo ako at nagbihis. Inayos rin ang mga gamit ko bago ako lumabas dala ang camera, phone at wallet ko.
Lumabas ako sa hotel at nilibot ang Tokyo. Ang lugar na gustong gusto kong puntahan simula nang mahilig ako sa anime. Ang dami kong nakita na collectibles! Picture dito, picture doon! Bili ng souvenir ng kung sino-sinong anime characters! Ahh... I feel like I'm in heaven...
Kinuhanan ko na rin ng litrato ang views dito. Pati nga yung mga cherry blossom na ubod ng ganda. Meron din naman nito sa daan papunta sa hotel nina Salazar. Kaya lang, mas gusto ko yung memories na para sakin.
Medyo lumalamig na kaya naisip ko na ring bumalik sa hotel. Kukuha na rin ako ng mga litrato na para sa trabaho namin. Syempre, kahit ginawa ko itong free day para sa mga emleyado ko, kailangan na nga namin matapos ang project na 'to as soon as possible.
Sumakay na ulit ako ng taxi at nagpababa nalang sa may restaurant na malapit doon. Nagugutom na kasi ako. Hindi pa kasi ako nagtatanghalian plus, naggala agad ako. 7 na ngayon at saka ko lang naisipang kumain.
Habang sarap na sarap ako sa kinakain kong ramen, biglang may padabog na umupo sa tapat ko.
"Kanina pa kitang hinihiintay sa restau na 'to, tapos ngayon ka lang dumating? Pinuntahan pa kita sa kwarto mo kasi inisip ko na baka napasarap lang ang tulog mo. Pero wala ka na pala don! Hinanap kita kung saan saan. Nagpabalik-balik pa ako dito kasi baka andito ka na pala! Pero anong oras na? 3 ang sabi ko sayo pero 7 na!" Sermon sakin ni Salazar.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...