Chapter XXVIII

1.9K 43 0
                                    

Aki

"Oy, Panget! San ka pupunta?" - Bakulaw

"Maghahanap." Matipid kong sagot.

"Ng ano?"

"Di ba may hinahanap kang tao? Sya yung hahanapin ko."

"Ahh....." Sabi nya at sinabayan ako sa paglalakad.

*ring*

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at sinagot ang tawag ni ate Lorena.

Dala ko ngayon ang cellphone na hiniram ko kay ate Lorena. Ito rin ang cellphone na dahilan ng pagkikita namin ng barkada nina Bakulaw. Kaya nanghihiram ako ay dahil di ko afford na bumili ng isa. At di rin naman ako maluho. Kaya lang, kailangan ko ito ngayon dahil ite-text daw ako ni lola Gare tungkol sa bahay.

"Hello?" - ako

["Aki!!! Punta ka naman dito mamaya! May paparty kasi ako kasi birthday ko ngayon e!! Please! Pumunta ka ha?! Babye!!"]

Hindi man lang inantay na pumayag ako? Pano yan? May tutorial ako kay Bakulaw? Magpapa-alam na lang ako.

"Yan na ang binili mong cellphone? Uso pa ba yan? Ikaw na lang ata ang de-keypad ang cp dito." Pang-aasar ni Bakulaw.

Itinago ko na ulit ang cp sa bag ko.

"Ang mahalaga, meron akong magagamit."

"Wag mong sabihing pati sa pagbili non, nagtipid ka pa?"

"Pakialam mo ba?"

"Bakit ang taray mo ngayon?"

"Ewan ko sayo." Sabi ko at mas binilisan ko pa ang paglakad ko.

"Hoy! Kinakausap pa kita! Oy! Panget!!" Sigaw nya.

Tanga ba sya? Ayaw na lang akong habulin para kausapin. May pagtigil pa saka sisigaw. E di lalo nga nya akong di makakausap.

Nagpunta ako sa cr at naghilamos.

Sana di ako mabinat. Hilamos lang naman. At bakit kaya ang tamlay ko ngayon? Dahil siguro kagagaling ko lang sa sakit. Kakatapos lang naman kasi ng period ko e.

Biglang may magandang babae ang iniluwa ng isa sa mga cubicle.

O_O - ako

Dyosa..... Prinsesa.... Reyna..... Sya na.....

"May problema ba?" Mahinhin nyang tanong.

"A...a wala po! Pasensya na... Ang ganda nyo po kasi e...." Nahihiya kong sabi.

"A... Salamat."

Pero teka?? Parang may kamukha sya.... Di ko lang maalala kung sino...

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon