bakit ba madaming plastik sa mundo? marami rin ang ma-papel at straw? pero mas madami ang mahangin at may toyo sa ulo.
ayoko ko na ngang makipag-usap kahit kanino kung ganon lang din naman ang makakasalamuha mo. nararamdaman ko kasi agad kung totoo ang ipinapakita sakin ng isang tao sa unang beses pa lang na kausapin nya ako. ayaw ko na pina-plastik ako dahil di ako kailanman namlastik ng tao.
ako nga pala si Akira Fuentes, 19 years of age, isang laki sa ampunan na lumipat sa lansangan at napadpad kung saan-saan. di ko alam kung may buhay pa akong kamag-anak, kapatid o magulang.
sa ampunan ako nagka-isip. tinuruan kami don ng mga gawaing bahay at pati na rin ang mga bagay na tinuturo sa eskwelahan. si Sister Judith ang nagsisilbing guro namin at sa kanya ko natutunan lahat ng dapat kong malaman sa mundo at sya din ang paborito kong madre. pero nung naging 13 na ako, tumakas ako sa ampunan kasi naisip ko na wala nang mag-aampon ng isang teenager, kaya napunta ako sa lansangan.
doon ako natutong buhayin ang sarili ko pero sa mabuting paraan. dahil madre nga ang naging gabay ko noon, alam ko ang tama at dapat kong gawin.
naranasan kong magtinda ng sampaguita sa lansangan, magtinda sa mga driver ng basahan at kandila naman sa simbahan. halos 3 taon na ganon ang gawain ko.
nagbago lang ang lahat ng kinupkop at pinag-aral ako ni lola Pita. napakabait nya sakin. pinapakain nya ako at binibigyan ng damit na pamalit noong nasa lansangan pa ako.
dinala nya ako sa bahay nya at doon na nagsimula ang kalbaryo ko...
"HOY!! bakit di ka pa nagluluto ng makakain?! pagod na pagod ang asawa ko sa trabaho para lang mapag-aral ka tapos ikaw, nakahilata ka lang jan at buhay prinsesa! sayang lang ang ginagastos namin sayo kung di mo kami pagsisilbihan!", sabi ni Ate Merly.
sya ang anak ni Lola Pita at ang kabayo, este kalbaryo ng buhay ko.
"pano po ako magluluto kung walang iluluto? isa pa po, di ba pinaglalaba nyo ako ng damit nyo kaya di ako maka-alis dito sa kinauupuan ko."
"ABAT NASAGOT KA NA HA?!", sabi nya sabay batok sakin ng paulit-ulit.
ilang taon ko na din tinitiis tong babaeng to! kahit alam kong mali ang di gumalang sa gurang, alam ko din naman na may karapatan din akong umangal at ipagtangol ang sarili ko!
"bakit kayo? nasa sugalan lang naman kayo at nilulustay ang pera ni lola kaya wala tayong mailuto ah! kung meron mang mailuluto jan, dapat kayo na! concerned kayo sa asawa nyo eh! eh di alagaan nyo! bakit, sya din naman nasa inuman lang at walang trabaho kaya anong ikinakapagod non? ang huminga at maging katuga?!"
"talagang pinagtataasan mo akong boses ah! hala, sige! Layas! walang utang na loob! walang galang! matapos ka namin pag-aralin ganyan pa ang igaganti mo samin!"
"may utang na loob naman po ako. pero hindi sa inyong mag-asawa! kay lola Pita! at kung paggalang lang din naman po ang issue dito, pwes, ilang taon PO akong nagtiis at iginalang ang mga balahurang kagaya nyong mag-asawa kahit walang kagalang-galang sa inyo! tanging si lola Pita lang naman ang nagtatrabaho para satin pero kayong mag-asawa, kayo lagi ang gumagasta ng pera nya!"
"ABAT PARANG DI MO RIN GINAGAMIT ANG PERA NYA AH!"
"noong mga unang buwan ko lang po dito ginamit ang pera nya at simula noong sa inyo na nya binibigay ang pera, naghanap ako ng trabaho ko para pakainin ang sarili ko at pambili ng gamot ni lola Pita. at dahil wala na si Lola Pita, wala na rin akong dahilan para manatili sa Bwisit na bahay na to!", sabi ko at lumakad na ako papunta sa kwarto ko para kunin ang backpack ko na may lamang mga damit, gamit sa school at perang naipon ko na nakalagay sa malaking lagayan ng stick-o.
1 buwan na nang namatay si lola Pita at 3rd year College na ako ngayon kaya kaya kong maghanap ng trabaho, scholarship at bagong school na malilipatan. alam ko kasing sisiraan at ha-huntingin ako ni Ate Merly! malapit na rin naman matapos ang finals namin kaya alam kong madali na akong makakapagtrabaho sa bakasyon.
"AT SAN KA NAMAN PUPUNTANG BATA KA?!", sigaw ni ate Merly nang makalabas ako ng bahay.
"di ba pinalayas nyo ako? eto na, ginagawa na. nasa labas na nga ako ng bahay mo at aalis pipigilan mo pa ako para lang magtanong?"
"HAYOP KANG BATA KA!", sigaw nya sakin sabay habol sakin na may dalang tambong panghataw.
"human is the highest form of animal kaya Hayop ka din PO!", sabi ko sabay takbo.
akala ba nya aabutan nya ako? runner to, pare!
"WAG KA NANG BABALIK DITO!", pahabol pa nya.
"SINO BANG TANGA ANG BABALIK SA LUGAR NA NILAYASAN NYA?", sigaw ko din.
hahahaha!! kitang-kita ko ang inis sa mukha nya! yon ang best souveneir ko sa pag-alis ko sa bahay na yon.
Lola Pita, sana di kayo galit sakin kung ganon ang inasal ko sa anak nyo ah? sobra na po kasi eh. di na po kinaya ng napaka-napakahaba kong pasensya! pero sana po, gabayan nyo po ako sa gagawin ko. ipagdasal nyo naman ako kay Lord na tulungan ako sa mga gagawin ko.
Lord, sorry din po pala kanina kung gusto kong sapakin at sipain sa mukha si Ate Merly. siguro po kasi nadala na po ako sa mga naranasan ko sa buhay at kailangan ko ng maging matatag at matapang. dapat ko ng ipaglaban ang sarili ko at wag ng hayaan ang mga taong tapak-tapakan lang ang pagkatao ko.
"simula bukas, matatag, malakas at palaban na akong tao!"
***********
natapos ang finals namin at naipasa ko ang lahat ng exams. nakapag-apply na rin ako ng trabaho sa isang restaurant bilang isang janitress. at nakakontrata na din ako sa boarding house ko na malapit sa bago kong school na lilipatan. malaki ang school na ito at kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti dahil sa scholarship na nakuha ko dito at kailangan kong magtagumpay para sa kinabukasan ko! 2 years na lang naman bago ako gumraduate dahil 5 years ang course ko. di din naman ako nahirapan sa paglipat ng school dahil sa kabutihang palad, same ang curriculum ng school ko date at dito sa school na to. same din ang kinukuhang subjects kaya easy-ing easy lang ako sa lahat. di din naman DAW terror ang mga guro dito.
"Aki, tapos na shift mo. pwede ka nang umuwe.", sabi ni Ate Lorena.
sya ang manager namin dito sa restau at close sya sa lahat ng empleyado.
"sige po. tatapusin ko lang po ang paglilinis sa table na to.", sabi ko habang patuloy na pinupunasan ang isang mesa na kakaiwan lang ng customers.
bigla naman akong napatingin sa isang couple na nagde-date sa restau. nag-uusap lang sila at hinawakan ni boy ang kamay ni girl kaya namula si girl at tumangu-tango.
napatingin yung couple sakin kaya balik ulit ako sa ginagawa ko.
ang sweet naman nila. bagay sila kasi maganda si girl at pogi si boy. kanina pa din sila dito. mula 5 hanggang 8.
nang matapos akong maglinis ng mesa, nagpalit na ako ng damit para pumunta sa dorm ko at ihanda ang mga papeles na kailangan ko para ma-approve at ma-recognize ng mga teachers na scholar ako ng school. iga-grant lang kasi ang scholarship mo kung complete ang requirements mo at dapat mauna ka kasi limited lang ang slots don. kailangan ko talagang maging active sa last 2 years ko sa college!
GO! GO! GO!
FIGHT! FIGHT! FIGHT!
WE CAN DO IT!
WE CAN DO IT!
WE CAN DO IT!
SUCESS! SUCESS! SUCESS!
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...