Aki's POV
"Saan ba atyo pupunta at maagang- maaga naman tayo?" Tanong ko sa nagmamanehong si Charc habang ako humikab.
"Di ba nga, nasabi ko na sayo date na dumadalaw ako sa orphanage once a week? Yun ang pupuntahan natin ngayon." He explained.
"May gising na bata na ba agad don?"
"Meron. Lagi nila akong inaabangan. Alam nilang ganitong araw ako napunta rito. At 2 weeks ko rin silang hindi nadalaw. Baka magtampo sila sakin."
"Sorry ha? Kasalanan ko kung bakit di mo sila nadalaw."
"It's okay. Maiintindihan naman nila ako."
"Pero kung hindi, ako na lang ang magpapaliwanag."
"Bahala ka."
Nang makarating kami sa orphanage, dinumog agad ng mga bata ang kotse ni Charc.
Lumabas naman kami ni Charc at natigil sila sa pag-iingay.
Hala? Ngayon lang ba nagsama ng babae si Charc?
"Ate, kaano-ano ka po ni kuya Kent?"
"Girlfriend ka po ba nya?"
Dinumog ako ng mga tanong ng mga bata.
Hala! Hindi rin pala nila ako nakilala kasi iba na ang ayos ko.
"Ano ba kayo, mga bata. Ako 'to. Si ate Aki." Nakangiti kong paliwanag sa kanila.
"Bakit mas gumanda pa po kayo?" Tanong nung batang Reymund.
"Akala ko ba panget ako?" Tanong ko sa kaniya pabalik.
Nakita ko naman syang umiwas ng tingin at namula sa hiya. Haha! Cute!!
"Syempre inaasar ko lang kayo para pansinin nyo ko..." Nahihiya nyang paliwanag. Ang hina kasi ng boses nya e. Hehe.
"Buti't napadalaw po ulit kayo, ate Aki. At kasama pa po kayo ni kuya Kent. Kayo na po ba?" Tanong ni Anika.
"Ang bata bata nyo pa pero daig nyo pa ako. Alam nyo na agad yang relasyon-relasyon na yan. Wag nyong sabihing kay Dora nyo yan natutunan?"
Kasi di ba nga, pinapapanood lang sila ng tv kapag Dora na ang palabas.
"Nanonood po kasi ng AlDub sina sister kaya alam po namin. Favorite nga po namin yung lola ni Dora." Sagot naman ni Julius.
"Tapos ang pogi po ni Alden. Kinikilig nga po ako sa kaniya!" Sabi naman ni Julia.
Ni hindi ko nga alam kung anong sinasabi nila. Hindi pa rin naman kasi ako nanonood ng tv. Puro lang ako cellphone at laro sa tablet. Yung laptop naman, tina-type-an ko lang ng draft ko para sa isang novel na napagtripan ko lang sulatin, at pinanonooran ng anime. Kaya wala talaga akong time sa panonood ng palabas sa tv.
"Magkaibigan lang kami ng kuya Kent nyo. Sa susunod, isasama namin dito yung babaeng gusto nya. Di ba, kuya Kent?"
"Oo nga. Kapag kami na nung babaeng yun, ipapakilala ko sya sa inyo. Tapos makikipaglaro rin sya satin." - Charc
"E kayo po, ate Aki. Kelan nyo po isasama dito ang boyfriend nyo?" Tanong naman ni Anika
"Imposibleng may boyfriend sya. At bawal din syang magka-boyfriend." Mataray na sagot ni Reymund habang naka-cross arms.
"At bakit naman? Ikaw ba ang tatay nya para pagbawalan nya?" - Julia
"Hindi. Kailangan nya akong antayin lumaki. Tapos kami ang magpapakasal. Kaya hanggat hindi ko pa sya pwedeng pakasalan, bawal syang magka-boyfriend. Lalo na ang mag-asawa ng iba! Pwera na lang kung si kuya Kent yun. Hindi ko tataluhin si kuya Kent." Sagot ni Reymund.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...