Chapter VI

2.8K 70 0
                                    

Rey

"wala ka na bang alam gawin kundi gawing playground ang school nyo?", sabi ni papa.

as always, sesermonan na naman nya ako sa umaga about sa mga kalokohang ginagawa ko sa school. pano ba naman kasi, kailangan ko pa bang mag-aral kung alam ko namang ako din ang magmamana ng kompanya namin?

di na lang ako umimik. sigurado kasi akong pagkatapos nya akong sermonan tungkol sa mga ginagawa ko ay kukulitin naman nya ako na maghanap na ng pakakasalan ko. para namang ang bata ko pa para mag-asawa! at hindi din naman mahirap para sakin ang maghanap ng mapapangasawa dahil nakapila lang sila.

"sya nga pala, may napili ka na bang mapapangasawa mo? kung wala pa, may mga business partners ako na gusto kang ipakasal sa mga anak nila."

sabi na nga ba at dito rin to babagsak e.

"maganda ba?" I inquired.

"bakit ba husto sa ganda ang gusto mo? pero oo. maganda naman sila at higit sa lahat, malaki ang maitutulong nila kung makipag-merge ang mga kompanya natin."

"kelan ba yan?"

"sunday. 7:30 pm. Alexus Hotel."

hmmm.... wala naman ata akong gagawin ng araw na yon? pag-iisipan ko pa din. baka kasi maisipan ko munang mambabae. hehehe!!

"titignan ko pa po kung may gagawin ako. "

"sige. but on next sunday, you are obliged to go to our business acquaintance party. doon ka na lang mamingwit ng babaeng gusto mo. for sure, mayaman yon."

bakit ba atat tong si papa na makasal ako?

"pa, gusto nyo na bang magka-apo kaya atat na kayong ikasal ako?" I asked and he chocked.

"what?! hindi naman pero,... a part of me wants grandchildren but more of I want to retire and I think someone should look on you."

kaya pala...

"pwede bang puro apo na lang? I can take care of myself and my children." I said with confidence.

"don't give me a reason to kick your ass." he said with a glare.

"hahaha!!! I'm just kidding!! relax! but if you can take that as an option...?"

"stop it. umalis ka na. baka ma-late ka pa."

"hahaha!! kayo talaga pa! di na kayo mabiro! matanda na nga kayo! hahaha!!" I said while standing.

"as if?!" inis nyang sabi..

hahaha! ganyan talaga kami ni Dad. close kami e. but when it comes to my mom, it's a DISASTER! seriously.

"nakita ko na sya." sabi ng kapatid ko.

"sino?"

"yung kumalaban sayo."

"ah... that damn girl..."

"don't call her like that! she's really kind. and I like her."

"hey, Rache! guess what? I don't care. bilisan mo, baka pagalitan ka pa ni Dad. late na daw tayo."

"yeah. yeah.. I know." she said and went inside her room again.

si Rachelle Salazar. ang nag-iisa kong kapatid. I care for her kahit di ko pinapahalata. walang makapam-bully sa kanya because of me. subukan lang nila at sisiguraduhin kong sa lansangan ko na lang sila makikita. her friends are my friends too and her enemy is my enemy too.

pero di ko ata matatanggap na gustuhin nyang kaibiganin ang Akira Fuentes na yon. for sure, isa syang social climber at gagamitin lang nya ang kapatid ko para makaangat at makilala.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon