Aki
Natapos ang party na di man lang kami nag-usap ni bakulaw. Busy sya sa mga kasosyo nila. Syempre, sila pala may pa-party nito e. Kausap nya rin yung matandang babaeng muntik ko nang mabunggo kanina. Si Ced naman ang nakakausap ko. Si Rahelle, kinakausap sya kung minsan kaya tumatahimik na lang ako. Si Z, buong gabing kasama ang gf daw nya. Si James at Arlene, getting to know each other more. Sinabi rin nya na wala syang gf ngayon.
Monday na ngayon at mahaba ang vacant namin. Mga 4 hours din yun. Ang haba naman ng oras na paghihintayin ko? Masasayang lang?
Naisipan kong pumunta muna sa restau. Di naman muna ako magtatrabaho kasi part time lang ako don at against the rules ang pagwu-work ng di mo shift. Kakamustahin ko lang si Ate Loren sa nangyari kahapon.
Sumakay ako ng jeep kasi naisip ko na sobrang init talaga ngayon at baka ma-heat stroke ako ng wala sa oras. May napara naman akong jeep at 2 babae lang ang laman non.
"Oy. Alam mo ba, mas mayaman pa sayo si Janice?" Sabi nung isang girl.
She smirked then answered her friend. Kung friend ba talaga nya yon? "Mas mayaman ako."
Tumigil ang jeep sa gasoline station.
"This is what I hate about Jeepneys! Titigil para magpa-gas kahit nagmamadali ka na!" - 2nd girl.
Hay nako! Kung sabi mo, mayaman ka, e di dapat bumili ka ng sarili mong sasakyan na di na kailanman kailangan ng gas! Ang arte naman nitong si Ate?! Maganda ka nga, mayabang ka naman! Di lahat ng kaartihan bumabagay sa kagandahan!
Bakit ang dami kong comment sa kanya? At ang bilis mag-init ng ulo ko ngayon kumpara nung mga nakaraang araw! Alam ko na! Pustahan tayo.... Magkakameron na ako. Hahaha!!
Nang makarating ako sa loob, nilapitan agad ako ni ate Loren.
"Aki? Cutting classes? Kelan mo pa natutunan yan?" Bungad agad nya sakin.
"Di po. 4 hours po kasi ang vacant ng klase ko kaya naisip ko na dumalaw na lang po dito."
"O sige."
"Ah! Ate Loren, sino po palang nagsabi sa inyong bigyan ako ng Day off?"
"Ah! Yung si Arnold. Isasama ka daw kasi nila sa isang party. Nag-enjoy ka ba?" Tanong nya habang nakangiti.
"Di din. Di naman ako belong don. Puro mayayaman ang mga nandon."
"Ganon ba?" Nagkibit balikat na lang sya. Busy kasi sya sa restau ngayon. May darating daw na important customers mamaya at pina-reserve ang buong restaurant.
Shift ko naman mamaya kaya magiging busy din ako. Babalik na lang ako sa school kasi baka maabala ko pa sila sa paghahanda nila para mamaya.
Nakabalik ako sa school nang sakay ulit sa jeep. Ang init pa rin talaga kasi e.
"Aki! San ka galing?" Bungad sakin ni James.
Kasama nya ang buong tropa nila.
"Sa restau lang."
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...