Aki
"Alam mo ba? Yang Aki na yan, kung makadikit kina Rey, akala mo kung sinong close!"
"Oo nga! E sa pagkaka-alam ko, napakahirap nya kaya bakit sya nasama sa kanila?!"
"FC nga kasi!"
Yan lang naman ang mga bulungang naririnig ko tuwing papasok ako sa klase. Pero di ko sila pinapansin o pinapatulan. Di ako napatol sa babae e.
"Sir, can I excuse Ms. Akira Fuentes for a while?" Singit ng isang babae.
Sino yun?? At bakit nya ako ine-excuse??
"Why?? We are in the middle of the class." Pagsusungit ng prof namin.
"A... Kasi sir, pinapatawag po sya ni--"
"I want to talk to her. And you don't need to know why." Biglang singit ni bakulaw.
Okay?? Pinag-excuse nya yung babae tapos ie-excuse nya rin pala ako?? Bakit kaya?
"Ahmm... Sorry. Aki, you are excused." Sabi ng prof.
Tss! Ngayon na nga lang ako nag-enjoy sa pagtuturo ng prof naming yon tapos saka pa ako na-excuse! Wrong timing naman o!!!
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at narinig ko na naman silang magbulungan.
"Bakit kaya nya in-excuse yang babaeng yan?"
"Di ba magkaaway sila date? Baka babawi lang yun."
"Pero, Gosh!! Naiinggit ako sa kanya!! Ngayon lang nag-excuse si Rey ng babae bukod sa kapatid nya!!"
Hayy... Kahit ang sasama ng mga sinasabi nila sakin, di ko magawang magalit sa kanila. Bakit ako magagalit?? Wala namang magandang kahahantungan kapag kinompronta ko sila.
Pero kapag may nanakit sakin ng sobra, di ko alam kung anong magagawa ko.
"Bakit mo ko in-excuse?" Tanong ko kaagad kay bakulaw ng makalabas ako ng room.
"Sabihin mo nga sakin." Sabi nya kaya napaharap ako sa kanya at nag-antay ng susunod nyang sasabihin.
.
.
.
.
.
.
"Ano na?" Inip na tanong ko.
"Mukha ba akong in love?"
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...