Chapter XXI

2.1K 50 0
                                    

Aki

Days have passed at naging close ako sa barkada nina bakulaw. Nakilala ko sila ng buo. Si Z, kahit mukhang babaero at manloloko, loyal yan. Si Ced, kahit may pagka-seryoso at masakit magsalita, palabiro rin pala at kalog. Si James, nagpapakabait na ngayon kasi nagpapalakas kay Arlene. MU na kasi sila. Si Arnold, mabait, matalino at gentleman. Kahit naman nung una palang e. Si bakulaw? Ganon pa din. May pagkagago lalo na kapag nakikipag-asaran sakin. Asar talo sya e. Pero in fairness sa kanya, nagsasabi na sya ng mga sama ng loob nya samin, lalo na sakin. Para daw kasi madagdagan ang iisipin kong problema. As if poproblemahin ko ang problema nya??

"Hoy! Panget! Tulungan mo nga ako dito!" Sigaw ni bakulaw.

Nagsasagot kasi sya ngayon ng trigonometry. Mula kasi nung sinabi ko sa kanya na mag-aral sya at wag nyang sayangin ang perang pinampapa-aral sa kanya ng magulang nya, aba at nagseryoso sya! Taka nga ako kung bakit nya sinunod ang sinabi ko e. Pero mabuti na yon.

"Gets mo na? Ang dali lang kaya nyan!" I exclaimed.

"Sus! Palibhasa mataas ang grades mo!"

"E di gayahin mo ko. Problema ba yun? Mag-focus ka lang sa pinag-aaralan mo at maiintindihan mo yan. Promise!"

"E pano ka ba nag-aaral? Kapag gabi may trabaho ka a? Pati Sabado't Linggo." He asked.

"Simple lang. Time Management."

"Talaga lang ha?"

"Oo nga. Di ba ako kapanipaniwala?"

"Hindi e."

Aba't loko to a! Batukan ko nga.

"Bakit mo ko binatukan?! Ang lakas ng loob mo a?! Paalisin kita sa university na to e!"

"Di mo kaya kasi wala nang magtuturo sayo kapag nawala ako dito. Di ba guys?" Tanong ko sa kanila.

Di sila umimik at nakatingin lang silang 6 samin. Kasama kasi namin sina Arlene at Rache. Bakit?? May problema ba sa tanong ko??

"Huy! Di ba tama ako? Ano bang problema nyo?" Tanong ko.

Mukha naman silang natauhan.

"A! O-oo! Ikaw pa! Ano ba yon?" - James

Binatukan naman sya ni Arlene. Buti nga sa kanya! Hahaha!!!

"Ayaw mo kasing intindihin si Aki e." - Arlene

"Ano nga ulit ang tanong mo Aki?" - Z

"Sabi ko, di ako kayang paalisin ni Bakulaw dito dahil wala nang magtuturo sa kanya. Di ba tama ako?" I repeated.

"May point ka don." - Arnold

"Hoy! Ang lakas ng mga loob nyo ah?! At dahil ginaganyan mo ako, bibigyan kita ng trabaho." Bakulaw said while smiling devilishly.

"Ano namang trabaho yan? At busy ako sa trabaho sa restau at dito sa school kaya wala na akong time."

"Mag-resign ka na sa trabaho mo. Mas malaki ang magiging sweldo mo sakin."

"At ano namang trabaho yan? Taga-tanggal ng kalyo sa paa mo?" I said and they all laughed.

"Nice one, Aki! Hahaha!!" - James

"Hindi no! Dahil niyayabangan mo ako sa pag-aaral, kukuhanin kitang tutor ko." Bakulaw said at natahimik kaming lahat.

Ako?? Tutor??

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon