Chapter III

3.2K 82 0
                                    

Aki

lunch break na sa wakas!! i reallyy need a break from my strict professors! magaling naman sila magturo actually, pero kahit naiihi ka na, ayaw kang payagan kahit 3hours ang klase nio, walang tigil! puputok na nga ang pantog ko!!

dali-dali akong pumunta sa cr at nilabas ko ang kung anuman ang kanina ko pang gustong ilabas. may narinig naman akong 2 babae na nag-uusap. I didn't intend to listen but I heard them loud and clear.

"hey. did you know na may transferee daw na kumalaban kay Rey? i heard, she didin't notice him at all."

"talaga? tanga lang talaga nya! di nya kilala ang heir ng Kingdom Highs? is that even possible? di ba sya nanonood ng news? o nagbabasa sa mga magazines? he's known nationwide! and i heard, nakikilala na rin sya internationally!", sabi nung isang girl.

ARAY AH! kung maka-TANGA ka parang may nagawa kang mabuti para pagkautangan kita ng loob?! at kilala pala talaga yung mortal enemy ko? patay!! baka napasubo talaga ako sa isang malaking gulo!! Nice, Aki! ang thrill na talaga ng buhay mo! i thought sarcastically.

oh, well. iwas na lang ang gagawin ko para di na kami mag-clash at sumabog ang good future ko! buti yung sa kanya, good future na sigurado, e ako? kailangan kong paghirapan. okay lang. at least, i will feel better if I succeeded because of my hard work and not because i'm a daughter of a rich person.

lumabas ako ng cubicle at nakita ako nung 2 girls na nag-uusap. di ko sila tinignan at basta na lang ako naglakad paalis.

pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng cr, may nabangga ako. natumba sya kasi nagmamadali syang pumunta ng banyo at nabundol nya ako. taeng-tae na ba sya kaya sya nagmamadali?

i helped her stand and i saw a very gorgeous lady. na-star struck ata ako at di man lang ako nakapag-sorry agad.

"sorry, miss. di kita nakitang tumatakbo.", i said apologetically.

"it's ok. it's my fault for rushing into the comfort room. sorry din kung nabangga kita."

"ayos lang. ako nga pala si Aki. Akira Fuentes.", sabi ko sabay abot ng kamay ko.

"Rachelle. Rachelle Salazar.", she said while shaking our hands.

"nice to meet you. sige, may pupuntahan pa ako e. nice to meet you again.", sabi ko sabay lakad paalis.

ang ganda talaga nya! wish ko lang makahanap sya ng deserving na lalake. mabait din kasi sya kaya dapat lang, respetuhin at mahalin talaga sya ng mga lalakeng magkakagusto sa kanya. take note, MGA.

bumalik ako sa room para kunin ang bag ko. pagkabukas ko ng pinto ng room, nakita ko na lang na nakakalat ang mga gamit ko at di ko makita ang bag ko.

pinulot ko ang mga gamit ko at wala namang nawawala sa mga yon, pwera na lang talaga sa bag ko.

napasilip ako sa bintana at nakita kong may umuusok. dinungaw ko yon at nakita kong bag ko pala yung nagliliyab!

tinalon ko na lang mula bintana ng second floor hanggang sa baba para maisalba ko pa ang bag ko pero huli na ang lahat!!

nangingilid na ang luha ko pero pinigilan kong tumulo yon. kailangan akong maging matatag! bawal kong ipakita sa mga kalaban ang hinahanap nilang luha at kalungkutan!

nakakalungkot lang kasing isipin na ang bag ko na pinagipunan ko pa noong high school ay nawala na lang bigla dahil lang sa kung sinomang hinayupak na poncio pilato yan!

i looked everywhere to find out who did this! a laughing man with his alipores were laughing!! tinignan ko sya ng masama at tumayo na ako.

lumapit sya sakin habang tumatawa.

"i told you earlier na pagbabayaran mo yong ginawa mo sakin. kung tutuusin nga, you're lucky kasi bag mo ang sinunog ko at hindi ang bahay nyo o ikaw mismo."

"............"

"wala ka bang masabi sa ganti ko sayo? o naiiyak ka na jan sa kinatatayuan mo?"

"............."

"hoy!! magsalita ka nga! kinakausap kita!!", galit na sabi nya.

"ah!! ako ba ang kausap mo? akala ko ang sinasabi mong balak mong sunugin ay ang sarili mo? di mo naman magagawa yon, unless mamatay ka na ngayon at masusunog ka sa impyerno.", i said raising my head without any signs of fear.

"ang lakas din naman ng loob mong sabihan akong mapupunta sa impyerno?! as if sa langit ka pupunta?"

"wala naman akong sinabing sa langit ako mapupunta pero alam kong ganon nga ang mangyayare kasi I'M A GOOD PERSON COMPARED TO YOU." diniinan ko talaga ang last statement ko.

kung kanina galit lang sya, nagyon, puputok na sya sa sobrang pula!! serves him right! pagkatapos ng pagsunog nya sa bag ko na pinaghirapan ko bago ko mabili! palibhasa mayaman kaya akala mo kung sinong maka-asta!

"di mo kasi alam kung pano maghirap para lang makabili ng mga bagay na gusto mo kaya di mo ako maiintindihan. mayaman ka na kasi mula nung pinanganak ka kaya you have no Idea on what i sacrificed just to buy that bag that you just burned! pero salamat na din kasi di mo dinamay ang iba ko pang gamit. di ko alam kung ano bang masama ang nagawa ko sayo kanina kasi nag-EXCUSE naman ako bago kita layasan so don't give me that reason."

"nothing really. i just want to bully someone and you were on time to be one. and because you raised your pride and fought me verbally, i decided to continue bullying you until you decide to transfer in other schools.", paliwanag nya.

"ano ba namang paliwanag yan? para na-timing-an ko lang yung mood mo ng pambu-bully ako na ang pagdidiskitahan mo? at hindi ako lilipat ng ibang school dahil lang sa isang mababaw na nilalang na gaya mo. kaya kung di mo pa ako titigilan, magsusumbong na ako sa faculty.", pagbabanta ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!", tawa yan ng grupo nila.

"pare, isusumbong daw tayo sa faculty?", sabi nung isang mistisong intsik.

"as if may magagawa sila laban satin?", sagot naman nung sexing lalake.

"miss, wag mo nga kaming pinaglololoko!", sabi nung bisugong mortal enemy ko.

"at bakit ko naman kayo lolokohin? close ba tayo para makipaglokohan ako sa inyo?"

"FYI, walang may powers dito para labanan ako. i'm the ruler here! kaya dapat magpasalamat ka pa nga sakin kasi light damages lang yang natatamo mo sakin at di pa kita pinatatalsik dito sa school dahil jan sa ugali mo."

"palibhasa mayaman ka kaya walang gustong lumaban sayo. ginagamitan mo sila ng lakas mo dahil lang sa mapera ka. at dahil mayaman ka, di mo rin kayang bigyan ng value ang mga taong nakapaligid sayo at mga bagay na meron ka. dapat nga nagpapasalamat ka pa kasi may mga taong nananatili sa tabi mo. e pano kung mahirap ka lang? tingin mo, maraming maga-admire sayo? you will be left alone if that was your situation."

"miss, ang mga kaibigan kong ito, mula pagkabata pa lang, barakada ko na. kaya di nila ako iiwan. kaya wag ka ngang magsalita jan na parang ikaw ang may kaibigan dito. alam kong walang gustong sumama sa isang mahirap at plain na babae na gaya mo."

"at least, i can cope with it, EASILY. at di problema sakin yun. For I know na iilang tao lang naman dito ang di plastik. and I hate those kind of people but i detest most the kind of people like you. hindi kita papatulan for what you've done because i value my scholarship and education than having a fight against the person I DETEST MOST." sabi ko sabay lakad papalayo.

di ko na sya tinignan pati ang mga kasama nya. kung pahihirapan nya ako physically sa mga bullying tactics nya, okay lang. as long as di nya gagamitin ang powers na meron sya para matanggal ang scholarship ko at mapaalis ako sa school na to.

I deserve to be here! pinaghirapan kong maka-enroll dito kaya di ko hahayaang mapatalsik ako dito dahil lang sa bisugong matapobre na yon!

di ko sya papatulan para walang maging dahilan ng pagpapatalsik nila sakin. that's the least that I can do for now. but I know, makaka-isip din ako ng panibagong plano.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon