Chapter XLVI

1.9K 38 0
                                    


Aki's POV

"Game!" Sigaw ni mama at nag-umpisa na kami ni Charc na mag-unahan sa pamimili sa mga nakalistang bagay na binigay samin ni mama pagkarating namin dito sa supermarket. Nagpapaligsahan kami ni Charc kung sinong mas mabilis. At may dare ang matatalo. Ang magbibigay ng dare syempre ay si mama. May prize naman daw ang mananalo.

Hindi ako magpapatalo sa Charc na 'to no. Hindi ko man alam ang pasikut-sikot dito sa bilihang 'to, mabilis naman akong tumakbo at mabilis din ang mata ko sa pagtingin ng mga bagay na kailangan ko.

"Matatalo ka lang sakin, Aki!"

"Asaness ka!"

Kumuha agad ako ng graham na nakita ko. Kasama kasi yun sa nakalista.

Tiningnan ko naman si Charc bago ako lumiko sa kabila. Nakatigil lang sya at tinititigan ang listahan ng mga dapat naming bilhin.

Hindi ko na sya pinansin pa at kinuha ko na ang iba ko pang kailangan.

"Ayos! Patapos na ko!"

Bigla ko naman nakita sa listahan na may kailangan pa akong balikan sa dulong part pa ng supermarket.

"Aish! Babalik pa ko?!" Reklamo ko.

Nakita ko naman si Charc na ngising ngisi nang makasalubong ko.

Sh*t! Kaya pala! Sinaulo muna nya yung nasa listahan para wala na syang balikan sa iba pang section ng supermarket. Matalino talaga 'tong taong 'to. O kaya, ako lang ang tangang hindi naisip yun.

"You loose now, Aki." He smirked as I pass by him.

"Tsk!" Yun lang ang nasabi ko.

Nagmadali na akong balikan yung nalimutan kong kunin saka pa ako pumuntang counter para bayaran yung mga binili ko.

________________

"Mukhang alam nyo na parehas ang resulta ng game na 'to. Sasabihin ko pa ba ang panalo, Aki?" Pang-aasar pa sakin ni mama.

Nanay ko nga ba talaga 'to? Wala bang favoritism o pagka-bias 'tong si mama para ako ang panalunin nya? Andaya!

"Sabihin nyo na, tita. Tapos ire-record ko para remembrance. Haha!" Pang-aasar pa nitong kumag na 'to.

Nag-cross arms na lang at nag-pout.

Okay?? Di ko ugaling umakto ng ganito pero nabigla na lang din ako na bigla akong umasta na parang batang hindi nakatanggap ng regalo mula kay Santa. Nakataikim kasi ako ng pagktalo sa laro ngayon. Dati rate naman hindi. Talo ko nga lagi noon si Ba---. Never mind that guy.

"Ang cute mo pala kapag nagiging childish ka?" Puna sakin ni Charc.

"Tumigil ka nga jan. Walang cute sakin."

"Gwapo ako pero hindi ako sinungaling."

"San banda ka naging gwapo?"

"Sa lahat lahat." He proudly stated.

"Di ko makita. Saang lahat lahat ba yan?"

"Bulag ka na."

"Hindi ah. Malinaw lang talaga ang mata ko."

"Ang cute nyo panoorin! Bagay kayo!" Nakangiting komento samin ni mama.

"Mama, tao kami at hindi kami bagay."

"Sus! Ang saya mo ngang nasabihan kang bagay sakin." He smirked.

"Saang part ng expression ko ang nasayahan? Yabang a?" Taas kilay kong tanong.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon