Chapter XX

2.2K 56 0
                                    

Rey

"Class dismissed." Sabi ng prof namin.

Hayy!! Sa wakas! Malaya na muli! Ang sarap magrelax! Mayakag pala silang maglaro!

Pumunta ako sa cafeteria. Dun sa table na lagi naming tinatambayan.

Wala akong nakita don. Baka may klase pa sila. May mga babae naman na nakatingin sakin.

Ano bang magagawa ko? I'm so damn hot! Seriously.

Bigla namang may dumating. Lumingon lingon sya at nakita nya ako. Imbis na sumama sa table ko, aba't dun sya umupo sa malayo sakin!

Nilapitan ko sya at kinompronta.

"Hoy! Anong problema mo?! Bakit di mo ko samahan sa table natin?!" Inis kong sabi.

"Bakit? Masama na bang pumili ng table na uupuan ngayon?" Pamimilosopo ng Panget na to!

"E bakit nga?! Kita mo namang wala akong kasama dun e!"

"Bakit? Kapag ba mag-isa ka nalulungkot ka? Di ko alam na may side ka palang ganun, Bakulaw!" Pang-aasar nya.

"Samahan mo na lang ako."

"San naman? At bakit naman ako sasama sayo? Malay ko ba kung trap yan at ipapapatay mo na pala ako?!" - Panget / Aki

"Oo kaya kitang ipapatay. Pero bakit buhay ka pa hanggang ngayon? E di sana, matagal ko nang ginawa yun?!"

"Haist!! San nga kasi yan?! Parang tae to! Magyayakag ayaw naman sabihin kung san!" Pagrereklamo nya.

"Tarang mag-arcade. Laban tayo! The one who looses gets a dare! Deal?"

"Ahmmm..... May klase pa ako e."

"Oowwww...... I smell cowardliness..." Pang-aasar ko.

Papayag din yan! Yan pa? Aki Fuentes yan at di naurong sa anumang hamon!

"Pano klase ko?"

"1 absent doesn't mean you're expelled."

"Game! Deal!" She said at sumunod sakin.

Sasakay na sana ako ng kotse ko nang makita ko syang nakatigil.

Problema nito?

"Hoy! Bakit anjan ka lang? Ayaw mo sumakay?" - ako

"Lalakad na lang ako." She said at nag-umpisa na nga syang lumakad papunta sa mall.

"Are you serious?! Lalakarin mo?!"

"I'm dead serious. Walking distance lang naman yung mall dito. Wag kang maarte. Sayang ang gas. Mahal pa naman ngayon." Sabi nya sabay lakad ulit.

Aish!!! Ano pa bang magagawa ko?! E di sasabayan ko na syang maglakad! Baka maduwag yan umabsent at mag-intay ako dun hanggang new year!

But on the second thought, di sya aatras kasi nakapagbitiw na sya ng salita.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon